|
Post by kaiZz on Sept 29, 2010 15:20:22 GMT 8
Ang Awit Ni Diosa"Tumigil yata sa pagtibok ang puso nya pagkakita nya kay Diosa. Parang nalulunod sya. Pero masarap iyon sa pakiramdam" Walang pamilya, walang tirahan, walang nagmamahal. Iyon si Diosa, isang hampaslupa. Isang gabi, pagkatapos siyang bugbugin ng mga umaway sa kanya at iwan ng mga ito na nakasubsob sa putik, luhaan, at nagmamakaawa sa langit, ay isang “anghel” ang lumapit sa kanya—si Macoy, ang kaibigan at tagapagtanggol niya noong nasa bahay-ampunan pa sila. Nabuhayan siya ng pag-asa. Sa wakas ay may tutulong sa kanya. Tinitigan siya nito na waring inaalala kung sino siya. Pero pagkatapos siyang itayo nito ay basta na lamang siya iniwan nito. Diyata’t isnabero at matigas na ang puso ng dating tagapagligtas niya? Iyon ang mas ipinaghimagsik ng loob niya at halos ikalupasay niya.
|
|
|
Post by kaiZz on Dec 23, 2010 0:40:02 GMT 8
Bud Brothers Unlimited Series 13: The Bloomer Bandits (Hutch) ""It's just a matter of time, Portia. May susungkit sa puso mo at wala kang magagawa" Gusto nang magka-jowa ng maid ni Portia. Para hindi siya nito kulitin, sinabi niyang papayag lang siyang magpaligaw ito kung may manliligaw rin sa kanya. Sineryoso nito ang sinabi niya. Hinanapan siya nito ng manliligaw—si Hutch na amo ng lalaking gusto nitong maging jowa. Hutch was no stranger to her. Ito ang campus hero na nanligaw sa kanya noon at binasted niya dahil nalaman niyang niligawan lang siya nito para paglaruan. Kung wais siya noon na huwag sagutin ito dahil masasaktan lang siya, lalo na ngayon. Pero hindi ganoon ang nangyari. Sagutin man niya ito o hindi ay masasaktan pa rin siya. Gusto na kasi niya ito…
|
|
|
Post by kaiZz on Dec 30, 2010 13:11:19 GMT 8
The Bloomer Bandits (Mitch)"Nananahimik akong dalaga, ginawa mo akong ina!" Ang akala ni Mitch ay natagpuan na niya kay Edith ang babaeng mamahalin pagkatapos niyang mabiyudo at magburo nang isang dekada. Hindi pala. Dahil hindi siya nag-iisa sa puso ng dalagang palikera. Isa lamang siya sa sandamukal na nobyo nito. Iniwasan niya ito at sumumpa siyang hinding-hindi na siya mahuhulog uli sa alindog nito. Too bad, he got her pregnant. Kaya siya pa ngayon ang naghahabol dito para sa karangalang mapanagutan ang kanyang inakay. Pero paano niya pananagutan ang babaeng hindi naniniwala sa kasal?
|
|
|
Post by kaiZz on Jan 13, 2011 14:27:26 GMT 8
Bud Brothers Unlimited Series 15: The Bloomer Bandits (Miles)"Hindi ka pwedeng panakip-butas, over qualified ka." Para malaman ni Maritess kung minamahal pa siya nang wagas ng kanyang boyfriend, pinakiusapan niya si Miles na pumapel na masugid na manliligaw niya. Pumayag naman ang cute na former band leader dahil may kailangan ito sa kanya. Pero hindi nagselos ang boyfriend niya. Bagkus ay inihabilin na siya nito kay Miles nang buung-buo. Sa galit at matinding sama ng loob, nakiusap uli siya kay Miles na akitin nito ang babaeng ipinalit sa kanya ng talipandas niyang nobyo. Masunurin ito. Inakit nga nito ang babae. Hindi siya natuwa. Hindi talaga. Mukhang lollipop daw ang babae. Pero bakit ayaw nitong tantanan?
|
|
|
Post by betilafea on Feb 26, 2011 18:49:05 GMT 8
Hindi makapaniwala si Brandi na ipinamana ng kanyang papa kay Milosebio—ang puppy love niya na iniwan niya sa Caballero noong bigla silang yumaman—ang mga kayamanan nila. Malaki ang kasalanan niya noon kay Milosebio kaya hanggang maaari ay ayaw na sana niyang makita ito. Pero kailangang makaharap at makausap niya ito kaya napilitan siyang bumalik sa kanilang bayan. Nang magkita sila ay parusa agad ang inabot niya rito. Kasabay niyon ay natuklasan nila na ang kayamanang tinamasa niya sa loob ng matagal na panahon ay ninakaw lang pala ng kanyang papa sa ama ni Milosebio. Dahil doon ay lalong lumala ang galit nito sa kanya. Hindi raw siya mapapatawad nito kahit araw-araw pa niyang ipaglaba ito ng mga underwear.
|
|
|
Post by betilafea on Feb 26, 2011 18:53:28 GMT 8
Kay Encar ipinamana ni Lolo Imon ang recipe ng pinakamasarap na buko pie. Iyon daw ang magbibigay sa kanya ng suwerte. Totoo siguro iyon dahil sa pamamagitan ng naturang buko pie ay nakilala niya si Chuck na handang ibayad pati puri nito mapasakamay lang nito ang recipe. “I’m yours hanggang kailan mo gusto,” sabi nito. Nanghihinayang man, tinanggihan niya ang alindog nito. Bukod kasi sa mama’s boy ito, gusto lang nito ng girlfriend pero ayaw mag-asawa. “Gusto ko ng masayang pamilya at gusto ko ng maraming anak,” sabi niya rito. “Ngee!” ang reaksiyon nito.
|
|
|
Post by kaiZz on Jun 11, 2011 4:40:02 GMT 8
Head Over Heels"Sa lahat naman ng in love, ikaw ang umiiwas sa minamahal."
Lihim na lihim ang pag-ibig ni Salustia para kay Paeng. Kahit ibitin siya nang patiwarik, hindi siya aamin. Ang kaso, ibinuking siya ng isang kaibigan niya kaya nalaman nito ang pinakaiingatan niyang lihim. Pero imbes na ligawan siya, binigyan siya nito ng prospective suitor na mas makulit na nga kaysa sa damong ligaw, hindi pa niya kayang ipaliwanag ang anyo! Ang hudyo, sinugatan na nga ang puso niya, ininsulto pa siya!
|
|
|
Post by kaiZz on Jul 14, 2011 3:24:56 GMT 8
A Taste Of Bliss"Wala akong girlfriend. Goldfish, meron. Pero friends lang kami." Babaeng torpe si Maniya kaya maski katiting na boyfriend, wala pa siyang natitikman. Pero may ‘prospect’ siyang kapitbahay. Iyon nga lang, sa katorpehan, ni hindi niya malapitan. Salamat sa bago nilang driver, si Paeng. Ito ang gumawa ng paraan para mapansin siya ng iniilusyong kapitbahay. Pero nang sa wakas ay yayain siyang lumabas ni Kapitbahay, nangunguna si Paeng sa pagtutol. Kasi daw, crush siya nito at mas guwapo ito sa crush niya. Naturete siya. Bakit naman siya papatol sa driver na baduy?
|
|
|
Post by kaiZz on Aug 5, 2011 10:31:33 GMT 8
Hot Intruder: The Man With The Golden Grin Tahimik, payapa, malayo sa mga sigalot ng buhay—ganoon ang sitwasyon ni Peachy sa beach house na tinutuluyan niya. Ngunit nabulabog ang tinatamasa niyang katahimikan. Nagkamali siya ng akala na nag-iisa siya roon. Dahil sa kalaliman at kadiliman ng gabi, may anino palang nagkukubli at nagmamasid sa bawat kilos niya. Nang makarinig siya ng kaluskos sa isang sulok, inakala niyang daga iyon kaya nagsiyasat siya. Pero ang tumambad sa kanya ay isang matangkad, matipuno, at maskaradong lalaki—si Chip, ang lalaking maraming lihim. Binago nito ang masalimuot na mundo niya at ipinakilala nito sa kanya kung ano ang tunay na pag-ibig…
|
|
|
Post by kaiZz on Nov 10, 2011 6:26:07 GMT 8
Nobody's Girl"Kahit mag isa ako, maglalakad ako papunta sa 'yo." Para mapatunayan ni Gibby sa ex-boyfriend niyang si Toto na hindi na niya ito mahal ay buong kaplastikang tinanggap niya ito bilang kaibigan niya kasabay ng pagsasabi rito na “in a relationship” ang status niya at masaya siya sa piling ng imaginary boyfriend niya. Pero ang mautak na si Toto, naghanap ng “proof of boyfriend” niya. Kaya ora-orada ay sinagot niya ang unang nagpakita ng interes sa kanya. Ang kaso, may tililing pala ang pinatulan niya after the first date. Hayun, nagkaroon siya ng stalker nang wala sa oras. Wala siyang ibang matakbuhan at mahingan ng saklolo kundi si Toto. Nakahanda naman daw ito na tulungan siya—sa isang kondisyon: kailangan daw nilang magpanggap na may relasyon uli sila at nagmamahalan nang wagas. No way! The Bloomer Bandits (Victoriano)"Masarap akong magmahal. Kapag natikman mo, baka i-surrender mo pati trust fund mo." Tinamaan ng matinding krisis sa pananalapi si Victoriano at nagising na lang siya isang umaga na boarder na lang siya sa sariling pamamahay at ang kanyang landlady ay si Dee. Inaangkin nito ultimo chandelier ng na-foreclose niyang bahay. Siyempre, napikon siya at inaway ang babaeng maaskad ang pag-uugali. Pero nang maisahan niya ito, gumanti ito at ninakaw nito ang lahat ng karsunsilyo niya. “Ah, hinahamon ako.” Para ano pa at tinagurian siyang “Bloomer Bandit”? Ninakaw rin niya ang mga bikini nito. Hayun, pareho na silang walang underwear sa ilalim ng isang bubong. The Bloomer Bandits (Drick)"Liligawan pa rin kita kahit labag ang panunulot sa paniniwala ko." Parang keso ang pag-ibig ni Sam kay Drick—habang tumatagal ay lalong sumisidhi ang flavor. Pero mukhang aamagin na lang ang pagsinta niya dahil wala nang nakitang maganda sa kanya ang binata. Kahit sa mga bagay na walang kabagay-bagay ay inaaway siya nito na para bang may sinumpaan itong tungkulin na hanapan siya ng mali. Pero minsan ay dumadapo rin ang suwerte. Drick needed her help and asked her to pretend they were live-in partners. Sinunggaban niya ang pagkakataon. Ang kaso, nagkamali pala siya sa akalang maaakit niya ito kapag magkasama na sila sa iisang bubong at magkatabi sa iisang higaan. Kasi, kahit split ends niya, ayaw nitong salingin. Sagad sa bone marrow ang pagka-gentleman nito. Sarap patayin…
|
|
|
Post by kaiZz on Dec 20, 2011 6:37:22 GMT 8
The Bloomer Bandits (Buboy)"Magpaligaw ka na lang, puwede? Kailangang mapasagot kita on or before Friday." Isang makating-dila ang nagsabi kay Patsy na may lihim na pag-ibig sa kanya si Buboy, partner ng pinsan niya sa Blooms at part-time DJ. Convincing ang makating-dila kaya lahat ng love songs na pinatutugtog ni Buboy, akala niya ay para sa kanya. Hindi pala. At ang masaklap, siya ang nagkagusto sa lalaki at nalaman nito iyon. Kaya ang herodes, ginamit ang matchmaking skills. Isinali siya nito sa animo dating game na segment ng programa nito sa radyo. Nakabuti naman iyon dahil nakilala niya ang lalaking sa tingin niya ay magpapaligaya sa kanya. Ang akala niya ay tapos na ang problema niya kay Buboy, hindi pa pala. Dahil may kung anong nakain ito at bigla na lang dumating sa bahay nila isang gabi. May dala itong mga bulaklak at tsokolate. Aakyat daw ito ng ligaw…
|
|
|
Post by kaiZz on Dec 30, 2011 3:47:36 GMT 8
The Bloomer Bandits (Islaw)"I'm your friend. Pero kung gusto mo akong gawing lover, puwede rin. Kaladkarin ako, eh." Nang mahuli si Mayumi at malaman ni Islaw kung saan niya isinangla ang kubyertos ng mama nito, napaniwala niya ito na tapos na ang papel niya sa buhay ng lalaki. Nagkamali si Islaw. Wallet naman nito ang pinitik niya. Ipinatubos niya rito ang lisensiya at iba pang laman ng pitaka nito. Pumayag ito. Ngunit nang makaharap niya si Islaw, dinala siya nito sa presinto at ipinakulong. Ngunit hindi rin siya natiis nito. Pinakawalan siya ni Islaw at sinabi sa kanyang tutulungan siya nitong baguhin ang nakasanayan niyang buhay. Bakit kaya?
|
|
|
Post by kaiZz on Feb 24, 2012 3:33:50 GMT 8
Sweeter At First Sight"Lamang ako nang sampung paligo sa ex mo, samahan mo pa ng bubble bath."Hindi matanggap ni Apple na may iba nang mahal ang ex-boyfriend niya kaya naisip niyang kasabwatin si Brian—ang ex-boyfriend ng babaeng ipinalit sa kanya—para mapabalik sa kanya-kanyang piling ang mga ex nila na naligaw ng kandungan. Pero nang makita niya ang lalaki, natulala siya sa kaguwapuhan at kakisigan nito. Pumayag naman ito sa gusto niyang mangyari ngunit may natuklasan siya: Ito pala mismo ang utak kung bakit nagkalapit ang mga ex nila. Nagalit siya rito. Para mapakalma siya, naghain ito ng isang proposal: “Walisin mo na siya sa sistema mo. Ako ang ipalit mo,” anito. Thinking about it, she realized it was not a bad idea…
|
|
|
Post by kaiZz on Mar 15, 2012 5:15:34 GMT 8
Hot Intruder: Arthus, Ang Pambihirang Farm Boy Pumasok sa tindahan ng mga muwebles si Demi para manmanan ang kanyang nobyo. Aksidenteng nakabasag siya roon ng mga mamahaling gamit. At dahil hindi niya kayang bayaran ang lahat ng iyon, pumayag siyang manilbihan sa may-ari ng tindahan na dinala siya sa malayong bayan. Pero napaslang ang amo niya kaya malaya na siya sa pagkakautang. Ang kaso, sa huling gabi niya sa bahay nito ay pinasok sila ng magnanakaw. Hinataw at iginapos niya ang lalaki kaya nawalan ito ng malay. Pero pagkakita niya kung gaano ito kaguwapo ay hindi niya napigilang titigan ito. Nakakapanginig ng bikini bottom ang kaguwapuhan ng magnanakaw. Nang magising ito ay agad niyang itinanong ang pangalan nito. Ito raw si Arthus. At parang tutol ang bikini bottom niya at ayaw tanggapin ng puso niya na ito nga ang salarin.
|
|
|
Post by kaiZz on May 25, 2012 9:40:41 GMT 8
Travis In Love"Ano ang mahirap intindihin? Babae kang nagmamahal, lalaki ako na nagmamahal. Babae at lalaki tayo na nagmamahalan." Nelsie was at the wrong place at the wrong time. Pero ang “wrong” ay naging “right” dahil nakita niya ang pagkakataon na iyon bilang blessing in disguise. “Kung papayag ka, aalagaan kita habang-buhay, Nelsie. Ibibigay ko ang lahat ng kailangan mo, pati ng pamilya mo. Sana, hayaan mo akong makabawi sa kasalanan ko sa iyo,” sabi ni Travis O’Neil, ang sikat na basketbolista na hinahangaan ng masa at siya ring lalaking may malaking atraso sa kanya. Pumayag siya at tinanggap niya ang tulong na ibinigay nito. Sa pamamagitan nito, makapagpapatuloy siya ng pag-aaral at maiaahon niya ang pamilya niya sa hirap. Walang mawawala sa kanya, hindi ba? Iyon ang akala niya. Dahil nang makilala niya nang lubusan si Travis, nataranta ang buong sistema niya. Dahil sa sandaling panahon, may natuklasan siyang nawawala sa kanya. Ang kanyang puso.
|
|