|
Post by frozenpeach18 on Sept 21, 2009 23:40:23 GMT 8
layo mo pala am kaya siguro wala pa jan... nice story siya..
mkhang mgnda din un storyni trip saka ni danni, sila na ata ang sunod..
|
|
|
Post by am ^^ on Sept 22, 2009 14:11:27 GMT 8
sana meron na sa susunod.hehe ^^
|
|
|
Post by koockai_jha on Sept 24, 2009 0:15:30 GMT 8
[color=B lLue]Bud Brothers Unlimited 4: [/color] A Peony For Your Thoughts[/size][/font][/b] "I deserve a happily-ever-after too."[/center] Ibabaon si Kip nang buhay ng mga brod niya kung hindi niya matutubos ang “hacienda” na isinangla niya. Kaysa magbenta ng aliw, napilitan siyang humingi ng tulong sa Tsekwang friend ng kanyang lola. “Ako tulong, ikaw bayad.” Iyon ang mantra ng Intsik. Ang kabayaran, pakakasalan niya ang prodigal daughter nito—si Peony. Sige, game! Pero hindi natuloy ang kasal. May asawa na pala ang kanyang bride-to-be. Nagpakasal ito sa isang isla. Kung kanino, paano, at bakit ay hindi nito matandaan. Ngunit nang makita niya ang lalaki, bigla siyang nag-panic. Kamukha ito ni Brad Pitt! At dahil doon, parang ayaw na siyang pakasalan ni Peony. Hindi siya papayag! No man would have his bride, even her husband! ----------------------------------------------------------------------------------
|
|
|
Post by am ^^ on Sept 24, 2009 10:40:01 GMT 8
nice!! excited na ko!tagal dumating dito samin.tsk.
|
|
Inday Bote
half-bloom rose
?We are all worms, but I do believe I am a glow worm.?
Posts: 68
|
Post by Inday Bote on Sept 28, 2009 17:26:28 GMT 8
PHR 2788: The List by Rose Tan release Feb 6, 2008 "Crush kita dahil mabait ka, God-fearing, malapit sa mga bata, romantic, marunong magkumpuni ng mga sirang gamit, at napapatawa mo ako. Mas nakakatawa ka pa minsan kaysa kay Vic Sotto." Hindi matanggap ni Sylvia na mag-aasawa na ang kaisa-isang kaibigan niya habang siya ay walang naaaninag ni kalyo ni Mr. Right. Kaya para luminaw nang kaunti sa kanyang imahinasyon ang ideal man niya, gumawa siya ng listahan ng mga katangian nito. Listahan na hindi niya alam na napunta sa mga kamay ni Gordon. Nang mabasa nito iyon, nabuo ang isang ideya sa isip nito: Aangkinin nito ang mga katangiang nakatala sa listahan. Kaya ganoon na lamang ang pagkagulat ni Sylvia. Akalain ba naman niyang God-fearing, resourceful , romantiko, funny at iba pa ang temporary housemate niya? Puwede na itong mahalin kung ganoon... -------------------------------------------------------------------------------- Fruitcakes Series 8: Ang Sumpa Readers' Choice release Feb 6, 2007 "Kung mambibitin ka lang, ibabaon na lang kita sa limot." Isinumpa ng isang brokenhearted na old maid si Carmi. Mula noon, kapansin-pansin na lahat ng makaugnayan niya ay napapahamak. Ayaw man niyang maniwala sa kababalaghan, napilitan siyang lumapit sa isang espiritista. Ayon dito, mawawala raw ang bisa ng sumpa kung hahanapin niya ang isang lalaking nagngangalang “Juancho de Torres.” No choice siya kundi hanapin ang lalaki. Wagi! Hindi lamang niya nahanap, nahalikan pa niya ito. Ubod pala ng kisig ang binata. Kaya lang, wanted pala ito. Kung gaano niya kabilis nahanap ito, ganoon din kabilis na nawala ito. Paano na? gusto ko to mabasa pero wla na ako makita.
|
|
|
Post by koockai_jha on Oct 10, 2009 16:18:11 GMT 8
[color=B lLue]Bud Brothers Unlimited 5: [/color] Ring Around The Rosie[/size][/font][/b] "No self-respecting Bud Brother will allow himself to be used by a trampled flower. Kahit gaano pa kaganda at kabango ito.[/center] Lahat ng nagmamahalan ay dapat maging maligaya. Iyon ang paniniwala ni Cray kaya awang-awa siya sa pinsan niya at sa pinakamamahal nito. May hadlang kasi sa mala-Romeo and Juliet na pagmamahalan ng mga ito—si Rosie, girlfriend ng pinsan niya. Ito ang iniwan at pinagtaksilan pero kontrabida sa isang magandang love story ang tingin niya rito. Kaya para maalis si Rosie sa landas ng magsing-irog, pinalabas niyang nanalo ito sa raffle contest ng Bud Brothers Flower Shop. Isang romantic date ang premyo at ang kuya niyang si Hunter ang napili niyang ipa-date kay Rosie. Maganda ang resulta ng pagde-date ng mga ito. Ngunit sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay hindi siya natuwa na nagkakamabutihan ang mga ito. Natuklasan kasi niya na mali ang pagkakakilala niya kay Rosie. Isa pala itong kaibig-ibig na dalaga. Ah, hindi siya papayag na mapunta si Rosie kay Hunter. Di-hamak namang mas guwapo siya kay Hunter. --------------------------------------------------------------------------------- [color=B lLue]Bud Brothers Unlimited 6: [/color] Shiela Gumamela[/size][/font][/b] "Let's just make another prenuptial agreement. If I make you too happy, get rid of me.[/center] Dakila at busilak ang pag-ibig ni Shiela G. sa bayan at mga kababayan niya at kagaya ng mga nauna sa kanya, gagawin din niya ang lahat makamit lamang ang hinahangad na kaunlaran. Lucky for her, hindi naman niya kailangang ma-firing squad o magarote. Ang hinihingi lamang ng kanyang tungkulin ay magpakasal siya kay Hunter Illusorio. Pero dahil sa ginawa niya rito noong mga bata pa sila, alam niyang hindi ito basta-basta papayag na magpatali sa kanya. Kaya nag-practice siya kung paano niya aakitin at paliligayahin si Hunter. Chicken feed.Iyon ang akala niya. --------------------------------------------------------------------------------- [color=B lLue]Bud Brothers Unlimited 7: [/color] Hyacinth and the Bud Guy[/size][/font][/b] "Wala kang na-meet kahit isa sa mga standards ko pagdating sa babaeng mamahalin. In other words, none of the above ka. Kaya binago ko na lang ang standards ko."[/center] May balak sa isa’t isa sina Fabian at Hyacinth… Si Fabian: Nang gumuhong parang kastilyong buhangin ang perfect romance niya sa kanyang perfect girlfriend, binalak niyang maghiganti sa lalaking tumangay sa kanyang Sunshine. Tatangayin din niya ang kapatid nitong babae—si Hyacinth. Pipitasin at didikdikin niya ang petals ng babae hanggang sa maubos ang bango at halimuyak nito. Ang kaso, nang makaharap niya si Hyacinth ay tangkay niya ang nalanta. Dahil paano niya uubusin ang bango ng babaeng amoy-coconut oil? Si Hyacinth: Napilitan siyang makipag-blind date kay Fabian dahil gusto ng nanay niya na makapag-asawa na siya. Pero dahil hindi niya priority ang pagkakaroon ng boyfriend, sinadya niyang papangitin ang kanyang sarili. Pero sa halip na lumayo ito sa kanya ay lalo pa itong lumapit sa kanya. Ang akala niya ay totoong may gusto ito sa kanya. Sino kaya ang magtagumpay sa kanila? -------------------------------------------------------------------------------
|
|
|
Post by koockai_jha on Oct 17, 2009 18:38:12 GMT 8
[color=B lLue]Bud Brothers Unlimited 8: [/color] Petunia and Fidel (Awesome Twosome)[/size][/font][/b] "Kung atat kang mag-asawa at walang-wala nang madilihensya, di ako na lang."[/center] Gagawin ni Petunia ang lahat magkaasawa lamang. Pero lagi siyang minamalas sa boyfriend. Ang latest boyfriend niya, macho na macho, guwapitung-guwapito, at bading na bading pala ang walanghiya! Para hindi na maulit na matanso uli siya ng isang berde ang dugo, nakiusap siya sa kaibigan niyang si Fidel na kilatisin ang kanyang bagong suitor. Pumayag naman agad ang matulunging lalaki. Pagkatapos ng screening ay sinabi nitong hindi pumasa ang lalaki. Berde rin daw ang dugo ng prospective boyfriend niya. Naniwala naman siya. Pinasalamatan niya ito sa tulong nito. Pero kalaunan ay natuklasan niyang nagsinungaling pala ito. Bakit?
|
|
|
Post by koockai_jha on Oct 18, 2009 19:24:07 GMT 8
|
|
|
Post by betilafea on Oct 18, 2009 21:08:10 GMT 8
thanks jha
|
|
|
Post by koockai_jha on Nov 5, 2009 13:08:24 GMT 8
[color=B lLue]PHR3240: Somewhere In My Heart (Tales of the Travelling Bling): [/color] Trini[/size][/font][/b] "Hindi kita tinutulungan dahil naaawa ako sa'yo. Ginagawa ko 'yon para mabaon ka sa utang-na-loob sa akin, para lagi mo na akong iisipin hanggang sa hindi mo na kayang mabuhay ng wala ako."[/center] Naiwang nakatunganga sa pansitan si Trini nang ipagpalit siya ng boyfriend niya sa best friend niya at lokohin pa siya ng mga ito sa negosyo. Hindi na yata matatapos ang kamalasang dumapo sa kanya kaya nang may nag-alok sa kanya ng pampasuwerte raw na bracelet ay binili niya. Ang kaso, imbes na suwerte ang dumapo sa kanya ay nadagdagan lang ang malas sa buhay niya. At iyon ay sa katauhan ni Ondoy, ang beterinaryong overwhelming ang tuliling. Pero kailangan niyang pakisamahan ito dahil ito na ang bagong landlord niya. Pero may ginintuang-puso pala ang lalaki. Nang kailanganin niya ang tulong nito ay hindi ito nagdalawang-isip na magpanggap bilang ex-boyfriend niya, makalusot lang sa imposibleng sitwasyon kinasuungan niya. Sumobra lang ang “acting” nito, tuloy ay kailangan nilang magpakasal. ------------------------------------------------------------------- [color=B lLue]PHR3242: Somewhere In My Heart (Tales of the Travelling Bling): [/color] Blinky[/size][/font][/b] "I want to take you to the prom."[/center] Secret crush ni Blinky si Melencio noong high school days nila. Fifteen years later, hindi na secret iyon at hindi na rin niya crush ang lalaki. Mayabang na kasi ito. Pero ibinubuyo sila sa isa’t isa ng mga dating kamag-aaral nila na nagpaplano ng kanilang reunion. Para matigil ang mga ito ay sinabi niyang “in a relationship” na siya. Madali lang maghanap ng boyfriend kung kailangan niyang may maipakita sa mga ito. Hindi pala. Sobrang hirap pala. Sa kadesperaduhan ay isang “taong-grasa” ang naisip niyang paliguan at bihisan para maiprisintang boyrfriend niya. “Baka drawing lang `yan,” komento ni Melencio. Bakit ba ayaw maniwala ng tinamaan ng magaling? --------------------------------------------------------------- [color=B lLue]PHR3246: Somewhere In My Heart (Tales of the Travelling Bling): [/color] Michelle[/size][/font][/b] "Para kang kulugo, kapag dumapo, ayaw ng umalis kahit pasuin ng tubig ng baterya. Nagiging body part na."[/center] The grade school principal would not take “no” for an answer. Kaya napilitan si Michelle na humarap sa tanggapan nito para pag-usapan ang problema ng kanyang pamangkin. Tutal, sesante na rin siya sa trabaho, she had time in her hands. Her pregnant doginess was not prepared for the principal’s good looks and charisma. In an instant, Al changed her opinion of educators. No longer were they boring and naïve. At naisip niyang si Al ang susi upang mapasakanya ang editorial position sa isang parenting magazine. She would write a feature about the dashing principal. Pero bago mangyari iyon ay kailangan muna niyang paamuin ito at himukin na magpa-interview. It wasn’t easy. Bukod sa mailap ang lalaki, mayroon ding ubod ng ganda at sexy na single mother sa eskuwelahan na nagbabantay sa guwapong punong-guro. Sa kagaya niyang biniyayaan ng charms, it was an impossible mission. Kaya hinalikan niya si Al... -----------------------------------------------------------------
|
|
|
Post by otchosais on Nov 11, 2009 19:07:13 GMT 8
huhuhu... nagpunta po ako sa NBS kanina sa rob-pioneer, nabili ko lang po bud brothers unlimited 2, 4, 5, 6, 7... wala na ko makita 1 and 3.. kakalungkot..
|
|
|
Post by camille on Nov 11, 2009 20:29:50 GMT 8
OMG! hindi pwede mangyari yan! nagkakaubusan na!
wla pa ako ng mga unang books!!!
|
|
|
Post by otchosais on Nov 11, 2009 20:57:51 GMT 8
@ camille, limited lang kasi yun stocks sa NBS robinsons pioneer,, kaya siguro wala na sila ng 1 and 3 ng bud bros unlimited.. pero I think meron nun sa ibang NBS stores... wala lang akong time pumunta sa ibang mall kasi busy.. pero kapag nagkaron ako ulit ng time, definitely maghahanap hanap ulit ako..
|
|
|
Post by am ^^ on Nov 17, 2009 12:17:27 GMT 8
i got my BBUnlimited no. 5,6,7,8 and Somewhere in My Heart for free. THANKS TO DHOR., my online bff's ^^ we had an EB last nov. 3 and she gave it to me ^^ wiw.
|
|
|
Post by koockai_jha on Jan 13, 2010 19:31:30 GMT 8
ang daming new releases!!!! my gosh! i'll update the site soon. xenxa na mxado kong busy and mbagal yung net ko ngayon ee. i think 4 pbs yung bago ngayon! =))
|
|