|
Post by raveneyes on Jan 14, 2010 17:45:34 GMT 8
ang daming new release na Rose tan ngaun
|
|
yzelle
full bloom rose
"soooooo cute"
Posts: 167
|
Post by yzelle on Jan 21, 2010 18:25:47 GMT 8
kabadtrip my bud bro na palang bago, di ko nalaman...kainiz....
|
|
|
Post by kaiZz on Feb 12, 2010 12:56:54 GMT 8
PRINSESANG KOKAK She may not be the fairest of them all, but she was lovable.Determinadong umani ng tagumpay at respeto, lumuwas si Isay sa Maynila at tumira sa poder ng isang mambabatas. Doon ay nakilala niya ang anak nito—si Pepito Jr. na guwapo, mabait, at ubod ng kulit. Dahil sa mga katangian nitong iyon, walang babaeng hindi mai-in love dito. Mabilis pa sa alas-kuwatro, nahulog ang loob niya rito. Gayunman, hindi siya umaasa na magugustuhan din siya nito. Magaganda ang tipo nito. Sa kamalasan, ipinaglihi raw siya sa palakang masama ang loob. Kaya tiis-tiis na lang ang kanyang puso. Kaya? Eh, bakit nang may magkamaling manligaw sa kanya, ganoon na lamang ang ngitngit ni Pepito?
|
|
|
Post by kaiZz on Feb 12, 2010 13:04:20 GMT 8
Holly Is Thy Name “This commitment thing is going to be fun. I promise you that.” Kalilipat pa lamang ni Holly sa town house ay napa- away na siya sa kapitbahay. Panalo na sana siya sa digmaan kung walang tagapagtanggol ang kalaban—si Blas. Hindi lang siya inaway nito, sinermunan pa siya na animo kung sinong matuwid ito. Sa galit niya, nagkunwari siyang mangkukulam at isinumpa ito. “Magkakasakit ka. Hindi ka gagaling.” A few days later, panauhin niya si Blas. Humihingi ito ng tawad, nagtatanong ng gamot sa karamdamang tumama diumano rito. Pinayuhan niya itong maglaga ng batong buhay at inumin ang sabaw niyon. Ginawa naman nito iyon. Utu-uto, eh. Huwag lang sanang mabuking na peke siya. Baka pukpukin siya nito ng batong buhay, and worse, hindi na niya masilayan ang maningning na brown eyes nito.
|
|
|
Post by kaiZz on Feb 12, 2010 13:06:22 GMT 8
Fernando's Hideaway (A Maty Go Mystery) “I know you’ll find me…” Research for her new novel brought Maty back to Bicol. But she did not realize a simple interview with a cult’s founder would lead her to faith’s dark side. A girl was crucified, stabbed, and left to die on her cross. Ah, hindi niya kayang palampasin ang kalokohang iyon. Kaagad siyang naglunsad ng sarili niyang imbestigasyon. Then her stupid boyfriend decided to be romantic, he ended up in the killer’s hands, leaving her with a stupid clue: “RELAX. SEE A MOVIE.” Anong klaseng eng-eng ka, Fernando?
|
|
|
Post by kaiZz on Feb 12, 2010 13:08:53 GMT 8
Cat In The Bag (A Maty Go Mystery) “Kapag nagmahal ka, nagmahal ka. Tapos.” Missing cat ang hinahanap ni Maty, hindi bangkay. Pero iyon ang natagpuan niya sa isang lumang bahay. So, what would a disgruntled romance novelist to do? Find the killer, of course. It did not hurt to have some help from a gorgeous policeman.
|
|
|
Post by kaiZz on Feb 13, 2010 4:53:25 GMT 8
Bad Hair Day (A Maty Go Mystery) "Kiss all the frogs now. Kasi pag 35 ka na, which is 3 months away, mamomopo na sa'yo ang mga bagets at pandidirihan ka na ng mga DOM" Q: What’s the worst thing that could happen to a romance novelist? A: Ang maumay kay Fabio. That was why Maty gave up a lucrative career for something that was as exciting as a wet noodle: ghostwriting for a socialite. But when the socialite was found dead in her bathtub, Maty decided to investigate. Sa kakaurirat niya, naligalig ang killer—isa sa sangkaterbang suspects niya—at pinagbantaan ang buhay niya. Dalawa ang puwedeng mangyari: Malaman niya kung sino ang killer. O malaman niya ang pakiramdam ng kinukuryente sa pamamagitan ng hair dryer.
|
|
|
Post by kaiZz on Feb 24, 2010 13:09:15 GMT 8
Ale, Puwede Ka Bang Mahalin?"Pwede ka lang palang mahalin, pero hindi ka maaaring angkinin. I guess this is good-bye" Sa edad na treinta y siyete ay masasabi ni Mundita na matagumpay na siya. Nalampasan na niya ang mga kalbaryo at pagsubok ng kanyang nakaraan. Wala na siyang ibang gusto kundi ang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng kanyang buhay. Understandably, the last thing she needed was a guy named Enchong. Anak ito ng kanyang boss. Beinte-otso anyos ito, guwapo, at sa kasamaang-palad ay tinubuan ng paghanga sa kanya. Daig pa nito ang multong hindi matahimik kung magparamdam. Nawiwindang tuloy ang tahimik na mundo niya kaya binigyan na niya ito ng ultimatum: “In three years, I’ll be forty. `Pag ako ang pinag-aksayahan mo ng panahon, magkakaanak ka ng abnormal! So stop dreaming, Junior!” Pero tila hindi man lang ito natakot sa sinabi niya…
|
|
|
Post by kaiZz on Apr 14, 2010 11:31:54 GMT 8
PHR 3379 Somewhere In My Heart (Tales Of The Traveling Bling): Ignacia
"That's love... kapag hindi mo na kayang itago." Malaki ang problema ni Ginny. Sa kagustuhan niyang makuha ang masuwerteng bracelet na pag-aari ng babaeng kliyente niya ay nakipagkita siya sa boyfriend nito na si Calixto. Hangad niyang maayos ang relasyon ng mga ito para ibigay na sa kanya ni Lorrie ang bracelet. May sarili rin palang agenda si Calixto kaya agad na pumayag itong makipagkita sa kanya. Naguluhan siya nang sabihin nitong kailangan nito ng asawang masama ang ugali at siya ang pinagpapanggap nito. Babayaran daw siya nito ng limang libo bilang kabayaran sa isang araw na “trabaho.” Pumayag naman siya. Natulog silang magkatabi at magkayakap. Ang problema, iginigiit nito na may nangyari sa kanila kahit matay man niyang isipin ay wala siyang matandaan. Pero iginiit pa rin nito na mayroon. Peksman daw. Paano nangyari ang “nangyari” nang hindi niya nalalaman?
|
|
|
Post by kaiZz on Jun 2, 2010 11:37:11 GMT 8
PHR 3431 Somewhere In My Heart (Tales Of The Traveling Bling): Race"I find it hard to believe that I deserve someone like you." Noon, niligawan ni Race si Zita para ilayo sa kapahamakan ang kinabukasan at kaligayahan niya. Nagtagumpay naman ito pero nasaktan pa rin siya dahil napaniwala siya nito na totoong may damdamin ito sa kanya. Ngayon, siya naman ang nanliligaw rito para sagipin ito sa kapahamakan at sakit ng ulo. Madali lang naman siyang manligaw. Ginaya niya ang style nito noon, inulit ang proseso, step by step, hanggang sa mauwi sila sa holding hands at kissing scene…
|
|
|
Post by betilafea on Jun 10, 2010 16:02:25 GMT 8
soon i would be able to read the latest buks of RT hopefully madala kapatid ko pabalik hehe
cant wait to read them...so happy
|
|
|
Post by kaiZz on Jul 21, 2010 11:43:13 GMT 8
The Bloomer Bandits (An Introduction)
"I'm attracted to you, you're attracted to me. So why are you making this complicated?" Ang manakawan ng underwear ang huling bagay na iisipin ni Mertie na mangyayari sa pagbabakasyon niya sa isang malaparaisong resort. But some pervert took her panties. Subalit binale-wala na niya ang nangyari nang makilala niya si Tarquin, ang lalaking tumupad sa lahat ng romantic dreams niya—kaya naman within twenty-four hours ay in love na siya rito. Pero naglalaro lang pala si Tarquin. Nahuli niya itong may kaulayaw na ibang babae. Bukod doon, may iba pa siyang natuklasan tungkol sa binata: Ito ang nagnakaw ng underwear niya! Tarquin was the bloomer bandit. Ah, hindi niya mapapatawad ito kahit ipadala pa nito sa kanya ang buong Bud Brothers Flower Farm. Hinding-hindi! Kaya ba pumayag siyang maging phony bride nito?
|
|
|
Post by kaiZz on Jul 28, 2010 11:26:43 GMT 8
Somewhere in My Heart (Tales Of The Traveling Bling) Camille"Ano ako bisugo? Pagkatapos mong pindutin at lapirutin, ihahagis mo pabalik ng banyera!" Sa kagustuhan ni Camille na mabawi ang pagmamahal ni Albert ay nagpasya siyang sundan ito sa Maynila. Para maisagawa niya iyon ay tinulungan siya ng kaibigan niyang si Race. Mahal daw siya nito kaya bukod sa lumang bracelet na diumano ay masuwerte, binigyan din siya nito ng bodyguard sa katauhan ng pinsan nito na si Prudencio. Maskulado, balbas-sarado, may six-pack abs, at kanais-nais na pang-upo si Prudencio. Pero higit pa sa mga katangiang iyon ang kakailanganin ng isang lalaki para pagnasaan niya. Ang type niya ay iyong mukhang diplomat at hindi kagaya ni Prudencio na mukhang kalaban ng diplomat. Pero bakit bigla na lang siyang pumayag na mahalikan nito?
|
|
|
Post by kaiZz on Aug 11, 2010 23:00:54 GMT 8
The Bloomer Bandits (Gordian) "Gwapo ka at mayaman. Bakit ako tatangging pakasal sa iyo?"
Dinukot ni Gordian si Glorietta para hindi siya mapilitang magpakasal kay Carisma. Hindi niya isasauli ito hangga’t hindi naikakasal sina Carisma at Antenor. Sa malas, mukhang may guardian “ghost” si Glorietta. Mula nang dukutin niya ito ay ayaw na siyang tantanan ng yumaong boyfriend nito. Mukhang titigil lamang ang multo kapag pinakasalan niya si Glorietta. Nag-propose siya ng kasal sa dalaga pero mataginting na “No way!” ang sagot nito. Sa kung anong dahilan ay gusto niyang magprotesta…
|
|
|
Post by kaiZz on Aug 18, 2010 11:10:11 GMT 8
The Bloomer Bandits (Antenor) It was almost a shock that after all these years, her lips tasted and felt familiar. Parang oras lamang ang lumipas mula nang huling hagkan niya ito, hindi fifteen years. Dahil wala na silang choice, nagkasundo sina Carisma at Antenor na pakasal. Siyempre pa, may mga kondisyones: Una, wala silang pakialam sa buhay ng isa’t isa. “Saan ka nagpunta kahapon? Maghapon kang nawala,” reklamo ni Antenor. Pangalawa, walang iiyak at walang magmamakaawa. “Ganito ba ang nagmamahalan? Lagi mo akong inaaway,” reklamo ni Antenor. Ah, nakakahalata na si Carisma. Wala itong balak na tumupad sa kasunduan. Ang kaso, ayaw naman nitong umamin na in love ito sa kanya. It hurts. Talaga.
|
|