|
Post by kaiZz on Jun 25, 2012 7:10:26 GMT 8
Honoria Unti-unti nang iginugupo ng Alzhiemer’s ang isip ng ama ni Honoria pero nang ideklara nitong may anak ito sa labas at doon iiwan lahat ng kayamanan, napilitan siyang sumama kay Laren sa Masbate para hanapin ang nawawalang kapatid niya. Close ito sa kanyang ama at nag-aalala ito sa kalagayan ng matanda. Nagprisinta ito kaya hindi na siya tumanggi. But Laren was the last person she wanted to be with. Because when she was seventeen, she placed a pillow around her belly to make Laren believe she was pregnant. Kaya hanggang sa kasalukuyan, pinagtatawanan pa siya nito at sigurado siya, walang gagawin ito kapag magkasama sila kundi ipaalala sa kanya ang kalokohan niya. But that wasn’t the worst part. The saddest thing was keeping the truth from him. Na totoong dinala niya sa sinapupunan ang anak nila…
|
|
|
Post by kaiZz on Jun 27, 2012 20:58:48 GMT 8
Butterfly Kisses For You"I'm willing to embrace the change. Destiny natin 'to" Gusto nang lumagay sa tahimik ni Cham at ayon sa panaginip niya, hindi siya dapat maiwan ng bus papunta sa Tarlac dahil iyon ang huling biyahe. Kaya nang makarating siya roon at makilala ang guwapong dentista na si Aston Martin, sigurado siyang ito na ang lalaking ipinahihiwatig ng panaginip niya. Ito ang tinutukoy na “huling biyahe” niya at hinding-hindi siya paiiwan. Masuwerte naman siya dahil kahit maraming naghahangad na sumakay sa biyaheng iyon kasama si Aston, napunta siya sa front seat. As in, pinatira pa siya nito sa bahay nito. Wagi ang long hair niya! Pero hindi pala. Kasi ang huling biyahe, ayaw umandar.
|
|
|
Post by kaiZz on Aug 17, 2012 0:14:02 GMT 8
The Bloomer Bandits (Rehan)“Ang lakas ng loob mong makipagrelasyon sa akin. Baka hindi mo kayanin ang powers ko.” Wala na sigurong mas ideal pa kaysa sa boyfriend ni Pansy kaya ganoon na lang ang pagtutol ng mga magulang niya nang sabihin niyang hindi na niya mahal ang lalaki at gusto na niyang makipagkalas dito. Wala na raw hihigit pa sa boyfriend niya at kung ipipilit niya na mayroon, iharap niya sa mga ito. Di iharap. Umarkila siya ng isa pang maginoo para magpanggap na bagong boyfriend niya. Ang kaso, at the last minute ay proxy ang sumulpot para sa grand presentation: si Rehan. Anak ito ng landlady niya. Crush daw siya nito kaya ito na lang ang papapel na ideal boyfriend niya. Wala na siyang choice. Duda man siya sa katauhan nito, iniharap niya ito sa mga magulang niya bilang bagong “love interest.” Pero ang tinamaan ng magaling, pagkatapos harapin nang isang beses ang mga magulang niya, umurong na. Wala na raw itong balak panindigan ang papel ng ulirang boyfriend dahil bukod sa weird daw ang pamilya niya, lasang-baha pa ang nilaga ng mama niya. Hayun, siya pa ngayon ang nagmamakaawa sa bubuli! The Bloomer Bandits (Luisito)“Sure ka, hindi mo na naaalala ang maaalab nating tagpo sa kubo?” Durog na durog ang puso ni Mandy nang magtungo siya sa London. Ang rason, pinagtaksilan siya ni Luis, ang kanyang pinakaiibig na boyfriend. Ipinagpalit siya nito sa babaeng mas maganda sa kanya—nang sampung beses. Ngayong nakabalik na siya sa Pilipinas, parang gustong makipagbalikan ng taksil. Hindi pa ito patay pero panay ang paramdam. Maya’t mayang ipinapaalala sa kanya ang kanilang maalab na nakaraan. Ano ito, sinusuwerte? Pagkatapos siyang pagtaksilan, ibaon na lang daw niya sa limot ang kahapon. Ah, babalik na lang siya sa London kaysa amining tanga ang puso niya na payag sa mungkahi ni Luis.
|
|
|
Post by kaiZz on Jan 18, 2013 4:09:45 GMT 8
Ang Sumpa Mo Neneng"Habang hindi pa nawawala ang bisa ng gayuma, iyong-iyo ako. Paliguan mo ako ng pagmamahal, hiludan mo ako ng halik, sabunin mo ako ng yakap, ok lang, titiisin ko." Rich and pretty na si Neneng nang magbalik siya sa sitio na sinilangan niya. Ang unang ginawa niya pagtapak niya sa lugar ay ang isumpa si Arkin, ang lalaking nagpakulong sa kanyang first love. Pababagsakin niya ang kabuhayan ng magaling na lalaki. Pero sa unang paghaharap pa lang nila, tumiklop na agad siya kay Arkin. Bakit? Dahil ginagayuma pala siya ng lintik! Kaya pala hindi ito nawawala sa isip niya. Kaya pala hinahanap-hanap na niya ito. Kaya pala hinalikan niya ito nang walang pag-iimbot. Pero hindi raw siya dapat mangamba. Two months lang daw ang bisa ng gayuma. In the meantime, pagtitiisan na lang daw muna nito ang pagmamahal niya… The Knight Wears A Fedora"Hindi nasusulot ang true love, my love." Masaklap mawalan ng trabaho lalo na kung wala kang naipon ni singkong-duling. Iyon ang sitwasyong kinasadlakan ni Mitchie. Kaya nangako siya sa sariling gagawin niya ang lahat magkatrabaho lang uli siya. Anything. Maski ang magpanggap na biyuda. Iyon ang nangyari nang makilala niya si Omeng. Napagkamalan nito na anak niya ang inaalagaan niyang pamangkin at naawa ito sa kanya nang malaman na ulila na sa ama ang bata. Inalok siya nito ng trabaho. Tulungan daw niya itong kumbinsihin ang long-time girlfriend nito na good boy na ito at handang-handa nang lumagay sa tahimik. Sa takot na bawiin nito ang alok na tulong, kinarir na lang niya ang papel ng isang single parent. Akala niya ay wagi siya dahil bukod sa nakahanap ng daddy ang makulit na pamangkin niya, kikita pa siya nang limpak-limpak. Hindi pala wagi. Dahil ang trabahong ipinapagawa sa kanya, hindi niya kaya. Ano siya, bale? Bakit niya ipagduduldulan sa ibang babae ang kaguwapuhan ni Omeng?
|
|
|
Post by kaiZz on Feb 27, 2013 4:39:35 GMT 8
Wedded Bliss (Maty Go Mystery)“Masarap pala ang magpakasal, uulitin ko!” Dalawang taon pa lang ang nakararaan, pakiramdam ni Maty ay tagilid na ang marriage nila ni Fernando—at inaatake siya ng matinding insecurity. Una kasi, nasa tuhod yata niya ang matris niya, kaya hindi sila makabuo ng supling. Pangalawa, ang nadadalas na pagdalaw ni Fernando sa kapitbahay nilang biyuda—retokado pero ubod ng sexy at lambing sa asawa ng may-asawa! And when things go bad, they will go worse. Ang retokadang biyuda, pinaslang sa sariling bahay. The worse became worst: buntis daw pala ang biyuda at nakita ng mga pulis ang fingerprints ng minamahal niyang esposo sa silid niyon. May eksplanasyon daw, ayon kay Fernando. Talaga! Hahanapin niya iyon at kung mapapatunayan niyang taksil si Fernando, siya naman ang mabibiyuda, promise! Rook“Kailangan kong magmatigas. Puso ko kaya ang nakataya.” Napasugod sa basurahan si Laurel dahil may nagtapon doon ng mga damit niya. Pikit-matang nag-dive siya sa dumpster at muntik nang malunod sa mga basura. Mabuti na lang at may nakakita ng kuyukot niya at naisipan nitong sagipin siya sa mga nabubulok at di-nabubulok. Si Rook. Simula noon, hindi na siya tinantanan ng matatamis na boladas at malalagkit na titig nito. Malas nito. Allergic siya sa mga mambobola. Kakain na lang siya ng panis na bubog with uod kaysa maniwala kay Rook. Pero nang mangailangan ito ng pekeng pregnant girlfriend, guess who kung sino ang pumapel? Corgy“Saan nagpapanotaryo ng love letter?” Nang makilala si Corgy ng kaibigan ni Lupe ay napakanta ito ng “The Search is Over.” Hindi naman ito masisi ni Lupe. Out of this world kasi ang kaguwapuhan ng lalaki. Maginoo pa ito. Kaya tinulungan niya ang kaibigan na mapasagot si Corgy. Pero nabalitaan niya, siya raw ang type nito. Kinilig siya. At sa isang resort, isinugal ni Lupe hindi lang ang friendship, pati na puso’t kaluluwa niya. Ipinagkaloob niya ang lahat-lahat kay Corgy. Subalit pagkatapos niyon, iniwasan na siya nito. Maging magkaibigan na lang daw sila. Anyare? Badong“Huwag kang mag-alala, hindi ko nakakalimutan ang panata ko. Magmamanhik-manaog ka sa rurok ng kaligayahan. Lagi kang matutulog na may ngiti sa mga labi.” “Atsay-killer” ang naging bansag ng lahat kay Badong nang bigla niyang patulan ang maid nilang si Doray. Pero hindi alam ng lahat, maging ni Doray mismo, na hindi atsay ang turing niya rito. Kinakapatid niya ang babae at inihabilin ito sa kanya ng yumao nitong ama. Iyon nga lang, hindi niya napigilang “salakayin” ang pinababantayan sa kanya. At nagbunga ang “pananalakay” niya. Wala namang problema. Handang-handa siyang panagutan ang responsibilidad. Pero si Doray, umepal. “Nagbabayad lang ako ng utang-na-loob sa `yo! Alam ko na, na ikaw ang nagpapaaral sa akin. Tumatanaw lang ako ng utang-na-loob kaya kita pinatulan, Badong.” Ang sakit n’on.
|
|
|
Post by kaiZz on Apr 23, 2013 0:37:39 GMT 8
GUIDO“Hindi ko pinangarap na maging kaibigan ka. Nagkukunwari lang akong kaibigan mo para madikitan ka, maakbayan, at mabosohan paminsan-minsan.” Nagising na lang isang umaga si Guido na tatay na siya ng isang baby girl. Pero hindi niya alam kung sino ang nanay ng bata. Sa pagtuklas sa misteryo ng pagkatao ng anak niya, hiningi niya ang tulong ni Madam Sonia. Ang kaso, nang makita ng matagal nang dalagang si Sonia ang anak niya, natuwa ito. Nabuhay yata ang mammary glands nito at gusto na rin nitong magkaanak, sa pamamagitan niya. Anakan daw niya ito, sa lalong madaling-panahon. May prinsipyo siyang lalaki, hindi siya basta-basta magbibigay ng semilya kahit pa maiksing-maiksi ang damit at ovulating in the next room si Sonia. Hindi talaga. Promise. So help me, God.
|
|
|
Post by kaiZz on May 8, 2013 3:34:41 GMT 8
Ghost In You“Paano ako magpapaliwanag, hubo ako?” Dahil laging “kausap” at “kasama” ni Maddie ang yumaong fiancé niya na si Alfred, naisip ng malalapit sa kanya na magdaos ng séance para daw mapakiusapan ang kaluluwa ni Alfred na layuan siya. Nagpaunlak naman ang kaluluwa sa séance—at nag-request. Kailangan daw magpakasal si Maddie sa nakababatang kapatid ni Alfred na si Alvin. Mahigpit na tinutulan niya iyon. At kanino siya tatakbo sa oras ng kagipitan? Kay Nick, ang childhood friend ng kuya niya at lihim niyang itinatangi. Nangako naman ang lalaki na tutulungan siya. Pero nang pormal na siyang ipagkasundo sa lalaking hindi niya gusto, walang Nick na nagligtas sa kanya. Sa halip ay inilaglag siya nito. Pinagtaguan. Dahil takot ito sa multo.
|
|
|
Post by betilafea on Oct 3, 2013 20:00:28 GMT 8
[a href=" "][/a][/url][/center] “Crush kita noon pa and having a purely physical relationship with you was the only way I could be with you without having to admit to myself that I’m so into you.”Her best friend stole her boyfriend. Kinuha pa siyang abay sa kasal ng mga taksil. Kaya ang resolusyon ni Ilay, “never fall in love again.” Even with Trevor, her handsome, irresistible boss. He was so irresistible that she started going out and making out with him. Walang komplikasyon, walang mga tanong, walang expectations. Iyon ang relasyon nila. Just good ol’ hanky-panky with the boss. Pero biglang bumalik ang nawawala nitong girlfriend. At ang manhid niyang puso ay bigla ring tinubuan ng pandama. But no matter. Needles and pins didn’t hurt as much as knives and daggers. How wrong she was. Needles and pins didn’t break her heart but they gave it a hemorrhage when Trevor chose his girlfriend over her. Ouch.
|
|
|
Post by betilafea on Oct 3, 2013 20:03:17 GMT 8
[a href=" "][/a][/url][/center] “`Pag mahal na mahal mo ang isang tao, hinahalikan mo, `di ba? Mahal na mahal kita, James.”
She was angry. Abandoned at birth, abused, illiterate, and betrayed by the only man she loved and trusted—Larcy vowed revenge. Gaganti si Larcy sa lahat ng taong sumalbahe sa kanya. Unang-una na roon ang kanyang ina. Nang malaman niya kung sino ito, nagpakilala siya upang maging bahagi ng pamilya nito. Sa ganoong paraan, unti-unti niyang masisira ang masayang tahanan ng walang kuwentang babaeng nagtakwil sa kanya. Pero dahil doon, nagtagpo uli ang landas nila ni James—the man who betrayed her trust, her love. And he was acting like nothing happened. The son of a gun had moved on! Well, she hadn’t. And James will pay also. But first, she needed his help. And if he’d only stop singing… Maybe this time…
|
|
|
Post by betilafea on Oct 3, 2013 20:06:22 GMT 8
[a href=" "][/a][/url][/center] Muntik ka nang matsugi. Bigla, na-realize ng molecules ko na kung natuluyan ka, sayang. Natsugi ka nang hindi ko man lang natitikman.”Hindi matanggap ng kalooban at sikmura ni Paulette ang balitang nagtanan si Tranquilino ng babaeng dugyot kaya sumugod siya sa pinagtataguan diumano ng dalawa. At naabutan niya si Tranquilino na nasa bingit ng kamatayan sa mga kamay ng kanyang abnoy na pinsan. Wala siyang inaksayang sandali. Iniligtas niya ang buhay ng lalaking malabong ibigin siya. Pero wala pang dalawang oras pagkatapos niyang iligtas ito, niligawan siya nito. Mahirap itong bastedin kaya sinagot niya ito… after around four hours. Bigla na lang umeksena ang kanyang KJ na BFF. Tumatanaw lang daw ng utang-na-loob si Tranquilino kaya niligawan siya nito. Napaisip siya. Kaya ba hindi pa siya hinahalikan ng kanyang awesome boyfriend?
|
|