|
Post by raveneyes on Dec 21, 2007 11:59:56 GMT 8
FRUITCAKES 1: My Fair Lady (In Straightjacket)“I want you for myself. Kung magpapakasal ka, Sa akin na lang, please.” Lexy jumped at the chance to marry the legendary Chinese Billionaire, Don Simon T. Uy. It was just a matter of time. Tatanghalin na itong reyna ng Dragon Empire. Pero kung kailangan abot-kamay na niya nito ang kayuparan ng mga pangarap, saka naman umeksena ang bodyguard na si Marek. Marek was not a real bodyguard. He was Don Simon’s right-hand guy, asked to investigate the chosen bride-to-be-. Isang araw pa lamang sa misyon ay natuklasan na nitong may tsunami sa ulo si Lexy. Daig pa nito si Sisa kung umasta. The lady clearly belonged to an asylum. At makakarating iyon kay Don Simon. Parehong may hidden agenda, sino sa mga ito ang magtatagumpay? Sino ang pupulutin sa padded cell? -------------------------------------------------------------------------------- PHR 2771: Take a Vowreleased: Dec 12, 2007 "Wala akong balak magpakasal. Romance is for the birds!" Ang magbakasyon sa isang malayong isla ang tanging paraan para makalimot at magkaroon ng peace of mind si Albertoni. Niloko kasi siya ng kanyang ex-boyfriend na siyang may kagagawan din ng kung bakit nalugi ang kanyang negosyo. Peace of mind? Malabo palang mangyari yon dahil pagtuntong niya si isla, sinalubong siya at pinalayas ng bakulaw na may-ari niyon-Si Kip Alzar. Ayon dito, nagbabakasyon ito roon para magkaroon din ng peace and quiet, at ang istorbo ang huling bagay na nanaisin nito, lalo na raw sa katauhan niya. "Mabuting iwasan na lang natin nag isa't-isa" suhestiyon nito ng hindi nito nagawang paalisin siya. "I agree, Mr. Alzar!" aniya. Hah! Hmp!
|
|
|
Post by raveneyes on Dec 22, 2007 12:34:44 GMT 8
FRUITCAKES 2: My Naughty And Naughty(A Special Edition 144 pages) release: Dec 19, 2007 "That kiss was premediatated. Therefore, it's not innocent."
Masidhi ang hangarin ni Portia na makaganti sa taksil at walang modong boyfriend niya. Sapin-sapin ang sama ng loob at kahihiyang ibinigay nito sa kanya kaya nararapat lamang na ito ay putulan! Nagpahasa siya ng malaking gunting sa Hortaleza. Pero may buwisit na lalaking umeksena-- si Chip. Biglang sumulpot ito sa silid kung saan niya isasagawa ang "operasyon" Hayun, hindi natuloy. Ang thing got worse. Her boyfriend suddenly died in front of her and Chip. What to do? Sa takot na mapagbintangan, they did the unbelievable. Pero may nakakita sa pala sa kanila at nagbabanta na i-expose ang "krimen." No choice siya kundi ang makipagkapit-bisig kat Chip para maisalba ang kanyang sarili. The problem was, Chip didn't want to cooperate...
|
|
|
Post by raveneyes on Jan 11, 2008 11:38:11 GMT 8
FRUITCAKES Series 3: Mutya Ng Madre CacaoReader's Choice Release January 9, 2008 "Sinagip mo ang buhay ko at itinaya mo ang kinabukasan mo para sa akon. In my book., that's love beyond reasonable doubt." Kinidnap, binugbog, at inilibing siya nang buhay. Ang akala ni Alfon ay katapusan na niya. Pero may dumating na anghel at hinukay siya sa kanyang libingan. Si Mutya. Ang kasa, kapalit ng kaligtasan niya ay ang pananatili nang habang-buhay sa bayan ng Madre Cacao. Hindi puwede iyon. Pinakiusapan niya si Mutya na tulungan siyang makatakas doon. Pumayag ito. Pero dahil doon ay nalagay sila sa alanganin at itinakda ang kanilang kasal. Hindi siya makatutol. Masarap kasi ang halik nito... ;D ;D
|
|
|
Post by raveneyes on Jan 12, 2008 10:08:36 GMT 8
Grabe ganda ng Fruitcakes 3. ;D ;D
two thumbs up!!
|
|
|
Post by raveneyes on Jan 20, 2008 21:52:41 GMT 8
Fruitcakes 4: The Nerdrelease: Jan 17, 2008 "Wala akong balak isuko ka. Ngayon pa? Puso na ang puhunan rito."
Mayaman at hindi basta-basta ang gustong maging asawa ni Goldie. At mayroon na siyang prospectL Si Ignacio Tamayo, ang hentong kaklase niyang high school. Nagpakadalubhasa ito sa ibang bansa at ngayon ay hindi lamang very successful, very rich din. Desidido siyang bihagin ito. Malakas ang loob niya dahil siya ang first love nito. Pero paano kung hindi totoo ang kasabihan at natsutsugi pala ang first love?
|
|
|
Post by raveneyes on Jan 25, 2008 15:59:16 GMT 8
Fruitcakes Series 5: Cuckoodoodleduo by Rose Tan "Ako rin ang may gustong tapusin na ang mga naging relasyon ko. Dahil sa iyo. Dahil kagaya ng picture mo, itinago kita sa puso ko. "[/center] Miriam and Elmo grew up together. Hers was the first “tambok” he had ever seen and it was flat, actually. He was the first naked male she had ever seen and that black, scary thing between his thighs brought her an anxiety attack. She was two then. Three presidents later, she got kidnapped... by Elmo. Dinala siya nito sa isang malayong isla para ilayo sa DOM na pinagpapa-cute-an niya. Hindi niya inakalang sa islang iyon ay mabubunyag ang isang lihim... Clue: It’s a many splendored thing.
|
|
|
Post by =Lhourdz= on Jan 31, 2008 12:56:21 GMT 8
FRUITCAKES 6: The Stalker "They were destined to be together. Nakaguhit na iyon sa aklat ng buhay, hindi puwedeng burahin, at lalong hindi puwedeng baguhin."[/center] Obsessed. Iyon si Rufina kay Linus Cordero. Walang nakapigil sa kanya nang pikutin niya ito. Ang kaso, for richer and for poorer, in sickness and in health, till death do them part, de-dead-mahin siya ng kabiyak. Promise. ---------------------------------------------------------------------------- FRUITCAKES 7: The Love That Never Was"Ako, si Doctor Salamanca, of a sound mind and a gorgeous body, ay pumapayag na maging boyfriend ni Alfreda Malapitan, of a not so sound mind but a very sexy body, sa loob ng isang linggo." Umuwing luhaan si Freda sa probinsiya nila pagkatapos niyang mahuling nagtataksil ang kanyang pinakamamahal na boyfriend. Bakit nagawa nito iyon sa kanya? Paano? Pakiramdam niya ay hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya nasasagot ang mga tanong. Kaya pinakiusapan niya si Anciano na tulungan siya. He was gorgeous, he was nice, and he had a girlfriend. He was perfect for her plan. Nagkasundo silang magkaroon ng relasyon na tatagal nang isang linggo para malaman niya kung ano ang nasa isip ng isang lalaking nagtataksil at ng other woman. “Can we extend this thing for another three weeks?” tanong ni Anciano pagkalipas ng isang linggo. Lagot!
|
|
|
Post by raveneyes on Feb 4, 2008 21:14:53 GMT 8
wow.. readers' choice!
|
|
|
Post by Stardust™ on Feb 8, 2008 16:54:24 GMT 8
PHR 2788: The List by Rose Tan release Feb 6, 2008 "Crush kita dahil mabait ka, God-fearing, malapit sa mga bata, romantic, marunong magkumpuni ng mga sirang gamit, at napapatawa mo ako. Mas nakakatawa ka pa minsan kaysa kay Vic Sotto." Hindi matanggap ni Sylvia na mag-aasawa na ang kaisa-isang kaibigan niya habang siya ay walang naaaninag ni kalyo ni Mr. Right. Kaya para luminaw nang kaunti sa kanyang imahinasyon ang ideal man niya, gumawa siya ng listahan ng mga katangian nito. Listahan na hindi niya alam na napunta sa mga kamay ni Gordon. Nang mabasa nito iyon, nabuo ang isang ideya sa isip nito: Aangkinin nito ang mga katangiang nakatala sa listahan. Kaya ganoon na lamang ang pagkagulat ni Sylvia. Akalain ba naman niyang God-fearing, resourceful , romantiko, funny at iba pa ang temporary housemate niya? Puwede na itong mahalin kung ganoon... -------------------------------------------------------------------------------- Fruitcakes Series 8: Ang Sumpa Readers' Choice release Feb 6, 2007 "Kung mambibitin ka lang, ibabaon na lang kita sa limot." Isinumpa ng isang brokenhearted na old maid si Carmi. Mula noon, kapansin-pansin na lahat ng makaugnayan niya ay napapahamak. Ayaw man niyang maniwala sa kababalaghan, napilitan siyang lumapit sa isang espiritista. Ayon dito, mawawala raw ang bisa ng sumpa kung hahanapin niya ang isang lalaking nagngangalang “Juancho de Torres.” No choice siya kundi hanapin ang lalaki. Wagi! Hindi lamang niya nahanap, nahalikan pa niya ito. Ubod pala ng kisig ang binata. Kaya lang, wanted pala ito. Kung gaano niya kabilis nahanap ito, ganoon din kabilis na nawala ito. Paano na?
|
|
|
Post by raveneyes on Feb 13, 2008 11:10:41 GMT 8
Walang bago ngaun.
|
|
|
Post by Marge [on leave] on Feb 19, 2008 20:02:35 GMT 8
PHR 2797: The Ring Bearer "Kapag ibinigay mo na sa isang tao ang iyong puso, hindi mo na pwedeng ibigay sa iba." Dahil napasubo sa isang pustahan, kilabot na kilabot man ay sinagot ni Temperance ang kanyang masugid na manliligaw, si Aguinaldo, ang yagit ng East Tamban High. Fast Forward: Beinte-otso anyos na siya. Atat na siyang lumagay sa tahimik pero nag-iipon pa raw ng pampakasal ang boyfriend niya. Pera lamang ang kulang kung ganoon. May solusyon na--ang singsing na napulot niya noon. Bilyonaryo pala ang may-ari niyon at handa itong magbigay ng isang milyong pisong pabuya sa makapagsasauli niyon. Mayroon lamang maliit na problema: Naibigay niya kay Aguinaldo ang singsing bunsod ng matinding awa sa lalaki. Hinanap niya ito sa World Wide Web at natagpuan naman niya ito. Pero iba na ang ngiti nito, iba na ang tingin nito, nagbago na ang lahat sa binatang patay na patay sa kanya noon. Bigla-bigla, nag-iba ang ihip ng hangin sa damdamin niya. ------------------------------------------------------------------------------------- Fruitcakes 9: Octavio Takes A WifeReaders' Choice "You want me to be celibate. Tapos, hahara-hara ka sa bahay ko nang walang salawal?" Nanganganib na masira ang reputasyon ng kapatid at hindi matiis na makitang lumuluha ang iniibig pa ring hipag kaya pikit-matang tinanggap ni Octavio Ongpin ang isang misyon: Ligawan niya hanggang sa makaulayaw ang isang matronang uhaw sa pag-ibig. Pero may iba palang balak ang matrona. Mas gusto raw nitong maging manugang siya. Susmaryosep! Sa presinto niya nakilala ang unica hija nitong si Romelda. Naka-detain ang dalaga dahil nagnakaw ng taxi! Pero hindi iyon ang dahilan ng “susmaryosep.” Nuknukan ng ganda ang dilag na kawatan. -------------------------------------------------------------------------------------- Fruitcakes 10: Witch Ko `Yan Readers' Choice "Iyang mga hocus-pocus at kulam-kulam na yan, palabas mo lang iyan para hadlangan ang kasal ko. Ang totoo, may gusto ka sa akin." Sa kagustuhan ni Roberta na makaganti sa talipandas na boyfriend, nagpasya siyang mag-aral ng witchcraft. Tatlong buwan ang tagal ng crash course pero anim na buwan na siyang nagsusunog ng kilay—at insenso, buntot ng butiki, at apdo ng tadpole—ay hindi pa rin siya maka-graduate. At malapit na naman ang finals. Ang test niya, iligtas sa isang mabagsik na mangkukulam ang isang kawawang binata—si Drake. Sa tindi ng kulam, malapit nang mabuwang at mamulubi ito dahil enterprising ang kumukulam dito. Armado ng mga orasyon at determinasyon, lumusob siya sa giyera. Para lamang makalimutan ang lahat ng isinaulong magic spells nang makaharap niya ang “pasyente.” Nakakapanginig ng walis-tingting ang kaguwapuhan nito! Source : PHR SiteSpecial thanks kay Ms Jen na lagin nag uupdate sa ating mga PHR readers
|
|
|
Post by raveneyes on Feb 19, 2008 22:28:51 GMT 8
Gosh, na-excite ako!! parang gusto ko ng bumili.. kaya lang Thursday pa dating ng mga bago sa binibilhan ko. ang ganda!! nakakaaliw kahit teaser pa lang.
|
|
Erin Crane
rose bud
Patience is a virtue.. but time is gold
Posts: 35
|
Post by Erin Crane on Feb 22, 2008 1:52:59 GMT 8
wahihihi, i just bought the whole batch of series of FRUITCAKES a while ago, gonna start to read, mukhang maganda yung ring bearer.... ahehehehe, mabili nga mamayang pag liwanag ng araw. ahehehe. mukhang maganda rin yung the list. hhhhmmm. ahehehe
|
|
yzelle
full bloom rose
"soooooo cute"
Posts: 167
|
Post by yzelle on Feb 22, 2008 19:05:25 GMT 8
hays, nakakainiz alang fruitcakes 9 & 10 ung nbs na binilhan quo....gusto ko pa man din gawa ng rc seal...hehe
|
|
|
Post by raveneyes on Feb 23, 2008 16:53:15 GMT 8
hays, nakakainiz alang fruitcakes 9 & 10 ung nbs na binilhan quo....gusto ko pa man din gawa ng rc seal...hehe Late ng ilang weeks sa NBS..
|
|