babylych
full bloom rose
i need to comeback,to see that it was right to leave.
Posts: 217
|
Post by babylych on Mar 19, 2009 18:52:49 GMT 8
...wow...
...buti nlng my reprint ng WHICH WAY IS HOME?...
...nwala na copy ko nito eh...
...woohoo!!!!...
...may SENYORITO na rin...
...ang saya2!!!...
|
|
athena
rose bud
"Fragile. Do not drop."
Posts: 28
|
Post by athena on Mar 31, 2009 11:42:13 GMT 8
hindi q pa natatapos ung fruitcajes series.. pero maganda xa in fairness,, un nga lang parang lahat ng bidang babae eh may weird na attitude..
|
|
|
Post by camille on Jun 13, 2009 12:58:32 GMT 8
may bago na..
|
|
|
Post by koockai_jha on Jun 13, 2009 17:02:28 GMT 8
walang teaser or pictures? anu-ano ba bago ate camille?
|
|
|
Post by camille on Jun 15, 2009 18:41:56 GMT 8
isa lang bago... imprint lng...
wala lang akong scanner eh... wala pa rin akong ms office sa pc ko sa bahay kaya di rin ako mkapagtype...
|
|
rickz
rose bud
~im insane~
Posts: 27
|
Post by rickz on Jun 16, 2009 9:33:36 GMT 8
re print..!!!hehehehe..
dami kong wala ehh..
hahhahahha
|
|
|
Post by sexyjosh on Jun 24, 2009 1:24:59 GMT 8
what's the latest from Ms. RT?Latest ko ung bahay-bahayan my next na ba dun?
|
|
xaxa
rose bud
Posts: 41
|
Post by xaxa on Jul 1, 2009 11:18:00 GMT 8
aq nga din...dami ko ng wala! repriNt...eehhehehe buti nalang may bud brothers naqw...tsktsktsk
|
|
|
Post by camille on Jul 4, 2009 23:30:05 GMT 8
may bago ngaung week.. misfortune ata title..
|
|
|
Post by koockai_jha on Jul 14, 2009 19:30:18 GMT 8
My Love My Hero 375: Severino Hindi lumilipad at walang pambihirang lakas, subalit sa oras ng pangangailangan ay dumarating si Handyman, also known as “Severino Quiros.” Kaya nang ideklara nito ang sarili na tagapagtanggol at tagapangalaga niya, hindi tumanggi ang herederang si Georgia.
Kailangan niya ng tagalinis, tagaluto, tagatapon ng basura... In short, errand man. Buong puso namang naglingkod ang bayani and she wondered why.
“Sayang ang euros na ibabayad sa akin ng kapatid mo sa pagbabantay sa `yo,” paliwanag ng former Mr. Pogi turned Mr. Fix It. Pera lang ba talaga ang dahilan?
So what? Marami akong pera. I can afford him.
Then she learned of his past and it was her turn to save and protect her hero...
----------------------------------------------------------------------------- PHR3086: MISsFORTUNe"Retarded ka! Saan mo nakuha ang ideya na mahal kita?" Kung ang boss mo ay guwapo at simpatiko, malaki ang problema mo.
Hindi na kailangang sabihin iyon kay Valeria. Alam na alam niya na off-limits si Pocholo. Hindi puwedeng mahalin, ilusyunin at pagnasaan ito simply because he was her very dashing boss. Employer. Amo.
Ibinaling na lang niya sa iba ang kanyang romantic aspirations. But her romantic aspirations had a nasty habit of going back to Pocholo dahil isang gabi, nagsabi ito na may ipagtatapat ito sa kanya.
At ano ba ang ipinagtatapat ng mga lalaki sa mga babae? Isa lang. It was overwhelming that she kissed him.
Ang kaso, hindi pala pag-ibig ang ipagtatapat ni Pocholo.
Kalamidad! ----------------------------------------------------------------------------- PHR3101: Happy Together"Hindi ko alam kung paano ka liligawan na hindi ako magiging kagaya ng ex mo... they ended up not just disappointing you but hurting you as well. Ayokong gawin sa iyo 'yon." Beauty queen material si Tatiana, pero sa kung anong dahilan, lagi siyang naloloko ng mga lalaki. Ang latest boyfriend niya, itinakbo pa ang hard-earned money nila ng kaibigan niya. Sa kadesperaduhan, napilitan silang lumapit sa isang psychic.
May gwapong protégé ang psychic na kinonsulta nila--- si Donato. Tutulungan daw sila higit pa sa makakaya ng mga ito at walang bayad ang serbisyo. Hulog yata ng langit ang lalaking nangangako ng bukang-liwayway ang bawat ngiti. Kinikilig ang puso niya.
Pero peke pala ang walanghiya! Igigisa niya ito sa sarili nitong mantika... ----------------------------------------------------------------------------- PHR3071: Ay, Yayay, O Pag-ibig..."Ito na ba 'yong part na hahalikan mo ako? Huwag muna. Holding hands na lang, puwede? Baka hindi kayanin ng powers ko, eh." Dahil sa letseng economic crisis ay na-lay off sa trabaho si Ellie. Napilitan siyang lunukin ang kanyang pride. Tinanggap niya ang trabahong iniaalok ng pinsang niyang si Darlene---ang maging yaya ng spoiled brats na anak ng lalaking gusto nitong masolo! Ang kaso, nang makaharap niya ang tatay ng dalawang alaga, parang gusto niyang magpaalipin dito forever. Ang laki-laki, ang tigas-tigas ni Rigo. Solid na solid ang kaguwapuhan at ka-macho-han nito. Kahit siguro patay na buhok ay matutong lumandi kapag nakaharap ito. Ang kaso, may hadlang sa paglandi niya---ang maganda at anorexic na pinsan niya. Rerematahin daw nito ang kaparisong lupa nila na nakasanggla rito kapag hindi niya tinulungan itong mapakasal kay Rigo. Ay, yayay! Paano na ang paglandi---este, pag-ibig? ----------------------------------------------------------------------------- ;D ;D
|
|
|
Post by betilafea on Jul 18, 2009 11:39:35 GMT 8
nabili k ang mga bago sna mgkaroon na nmn at sna rin ireprint nla ung lhat ng novels nya sins d begining...ang hirap mghunting mga 25 p na books nya kulang k huhu...sna reprint
|
|
|
Post by frozenpeach18 on Aug 2, 2009 19:00:15 GMT 8
gudlak sis, makumpleto mo sana!!! =)
|
|
|
Post by koockai_jha on Aug 6, 2009 12:52:21 GMT 8
PHR3136: A Kiss for Keeps"Don't worry, matitikman mo rin ang halik ko. Be patient." May stalker si Trudis kaya habang wala ang kuya niya, babantayan siya ng best friend nitong si Che, ang lalaking nagdudulot ng ovulation at lactation sa kahit sinong nagtataglay ng mammary glands. Alpha male daw ito, ayon na rin dito. “And I think your mating season has officially begun, Trudis,” deklara nito nang bigla siyang natutong mag-miniskirt. Mahigpit kasi ang kompetensiya. Kailangan niya ng crash course sa Flirting and Seduction 101. At willing na willing si Che na ituro iyon sa kanya. Bakit kaya? ----------------------------------------------------------------------------- Bud Brothers Unlimited1: Curious Rufus And The Jilted Daffodil "It's nice to be in love. And it's nice to kiss someone on a regular basis, at pagtanda mo may ka-holding hands ka sa tabing dagat." Buo na ang pasya ni Daffodil. Ipaghihiganti niya ang kanyang best friend dahil sa pang-aapi rito ni Rascus Mendoza, isa sa mga may-ari ng Bud Brothers Flower Shop. Buhay pa siya kaya hindi niya kayang patayin ito sa sindak. Pero kaya niyang patayin ito sa sama ng loob at iyon ang gagawin niya. At para maisagawa iyon, kailangan niyang magtrabaho sa flower shop ng mga ito. Everything was going smoothly according to plan until... “Daffodil, ano’ng shampoo mo? `Bango ng hair mo.” It was Rufus, isa sa mga Bud Brothers. Sinisinghot nito nang walang pakundangan ang buhok niya. Wala man sa plano niya ang maturete, iyon ang nangyari. Paano siya makapaghihiganti kay Rascus kung lagging naroon si Rufus at tila hinuhuli siya; inaamoy hindi lamang ang kanyang buhok kundi pati hidden agenda niya?
|
|
|
Post by camille on Aug 7, 2009 20:31:11 GMT 8
may apat na akong kulang.. taghirap ngaun ah...
|
|
|
Post by koockai_jha on Aug 7, 2009 21:18:06 GMT 8
di pa rin nga ko nakakabili ng latest 2 pocketbooks. taghirap din eh.
|
|