Cricket
half-bloom rose
Semper Fidelis
Posts: 76
|
Post by Cricket on Sept 3, 2008 14:23:43 GMT 8
PHR2897: Ang Kasunduan "Kung gusto mo ng annulment, ikaw ang gumastos" Isang kasunduan ang nagtakda sa kapalaran ni Eloisa--ikakasal siya sa kababata niyang si Julio pagdating ng takdang-panahon. Sumapit na ang takdang-panahon kaya napilitan siyang umuwi sa kanilang munting bayan para tuparin ang pesteng kasunduan. But she was saved by the bell--sa katauhan ni Onofre Batardi, developer extraordinaire ayon sa kanyang ama. Sa kagustuhan nitong baguhin ang landscape ng kanilang bayan, nakipagsabwatan ito sa kanyang ama na may mataas na katungkulan sa kanilang bayan. Ipina-kidnap siya nito sa mga yuppies upang mahadlangan ang kasal niya. Hindi lang iyon, inalok din siya ng kasal. Guwapo, mayaman, pero nuknukan naman ng yabang, tatanggapin niya ba ito? Ayaw niya kasi kay Julio! ----------------------------------------------------------------------------------- FRUITCAKES12: Sing No Sad Songs "Payakap nga habang hindi ka pa abo." Sa takot na ma-salvage siya ng kanyang disgruntled ex, namasukan si Filomena bilang maid ng pintor na si Liberio para magtago. Pero hindi pa siya nagtatagal sa mansiyon ng lalaki ay may natuklasan siya: nakatakdang magpakatiwakal ang kanyang amo! Isa siyang outstanding citizen at hindi niya mapapayagan ang plano nito. Hindi siya papayag na mamatay ito at masayang ang... kaguwapuhan nito. Guwapo naman talaga ito, mahirap lang tingnan dahil parang Sudoku na mapapaisip ang sinuman nang katakut-takot. “February? Walang nagpapatiwakal ng February dahil buwan ng mga puso, anniversary ng EDSA one, at birthday ni Kris!” pagtatalak niya nang malaman niya kung kailan kikitilin ni Liberio ang buhay nito. Ah, kahit ano ang mangyari ay hahadlangan niya ang madilim na plano nito kesehodang matulog siya sa tabi nito! Ahem!
|
|
|
Post by Marge [on leave] on Sept 9, 2008 21:20:40 GMT 8
finally, after 2 months or so may bago na ulit si RT
|
|
xaxa
rose bud
Posts: 41
|
Post by xaxa on Sept 18, 2008 13:24:55 GMT 8
hehehe sana may kopya na ako nito.... dagdag sa fruitcakes kolekxoN ko...
|
|
babylych
full bloom rose
i need to comeback,to see that it was right to leave.
Posts: 217
|
Post by babylych on Sept 20, 2008 23:45:03 GMT 8
|
|
|
Post by raveneyes on Oct 28, 2008 8:26:49 GMT 8
MLH 363 Godofredo Malaya
Ang inaasahan ni Serafina ay madramang pakikipagharap sa babaeng umagaw sa boyfriend niya ay nauwi sa trahedya. Duguan at walang buhay ang karibal niya nang madatnan niya ito sa meeting place nila. Ang masaklap, siya pa ang napagbintangang salarin. Sa pagtakas niya ay napunta siya sa nakaparadang pickup ni Godofredo. Tinulungan naman siya ng lalaki. Itinago siya nito… sa pagitan ng mga hita nito.
“Mabango `yan. Nagpalit ako ng briefs kanina,” sabi nito.
|
|
|
Post by raveneyes on Oct 28, 2008 8:27:16 GMT 8
PHR 2921 First Love Swear (Stronger Than A Promise, Deeper Than A Dare)
Sagad sa butong kilabot ang naramdaman ni Agripina nang makatanggap siya ng love e-mails mula kay Melanio, her very first love, at ang lalaking pinangakuan niya ng walang-katapusang pag-ibig sa ituktok ng batuhan.
Pero noon iyon. Noong baduy pa siya. Feeling-sosyal na siya ngayon at wala na siyang panahon sa mga ka-corny-han nito. Ibinaon na niya ito sa limot. Ang kaso, mababaw lang pala ang hukay na nagawa niya dahil nang makaharap uli niya ito ay parang zombie na bumangon at nabuhay ang damdamin sa puso niya na kung tawagin ay “first love.”
Ang masaklap, itinatanggi ni Melanio ang mga e-mails at hindi na raw siya mahal nito.
[/size]
|
|
|
Post by Marge [on leave] on Nov 2, 2008 14:25:09 GMT 8
PHR 2925: ANG NINAKAW MONG PUSO [/b][/size][/color] Para makansela ang utang ng kanyang inang mahal, pumayag si Pablito sa kondisyon ng loanshark: liligawan niya ang anak nitong si Perla para mailayo ito sa diumano ay manlolokong boyfriend nito. Okay na iyon kaysa magbayad siya ng patung-patong na interes, makakatulong pa siyang mailigtas ang dalaga sa tiyak na kasawian sa pag-ibig.
Pero handa si Perla na ipaglaban ang kanyang boyfriend. You and me against the world ang drama nila dahil ayaw rito ng kanyang pamilya. Matibay ang paniniwala niyang walang puwedeng sumira sa pagmamahalan nila.
Pero sumulpot sa eksena si Pablito.
Susmaryosep na guwapo ito!
Hinawakan niya nang mahigpit ang kanyang puso. Baka manakaw iyon ni Pablito...
|
|
|
Post by cassie on Dec 18, 2008 11:09:24 GMT 8
wow ....d q p nbbsa ag latest
|
|
athena
rose bud
"Fragile. Do not drop."
Posts: 28
|
Post by athena on Dec 31, 2008 19:50:37 GMT 8
wow!
|
|
xaxa
rose bud
Posts: 41
|
Post by xaxa on Jan 30, 2009 17:01:22 GMT 8
naku! madami na akong wala... haist!!!
|
|
yzelle
full bloom rose
"soooooo cute"
Posts: 167
|
Post by yzelle on Feb 4, 2009 21:28:57 GMT 8
ahahaha...ngaun lang uli ako naligaw dito....
waaa...andami ko ng wala...
ang hirap ng poor...
|
|
|
Post by koockai_jha on Mar 9, 2009 23:24:41 GMT 8
the list, the ring bearer and godofredo malaya... hahaha patay kayo sken... after ng final exams ko, bibilhin ko kayo... hahaha
excited na ko...
|
|
|
Post by raveneyes on Mar 18, 2009 6:42:58 GMT 8
ang daming RT na labas ngayon!!
maymga reprints!
|
|
|
Post by koockai_jha on Mar 18, 2009 20:24:21 GMT 8
talaga??? promise? my gosh!!! mag-iipon na ko!
hahaha
anu-anu naman yun sis?
|
|
|
Post by raveneyes on Mar 19, 2009 18:20:58 GMT 8
Pasensya na nalate pag-post
PHR 567 Which Way Is Home? by Rose Tan
Dahil sa tigkalahating mapa, nagtagpo ang mga landas nina Joey at Andy. Parang mga aso’t pusa sila na napilitang magsama para hanapin ang kayamanang itinuturo ng mapa. Pero nang mapasuot sila sa kagubatan at sa sandamakmak na panganib, mukhang mas mauuna pa nilang matatagpuan ang pag-ibig.
Iyon ang akala ni Joey. Sapagkat naibigay na niya ang Bataan nang maalala niyang wala nga pala sa plano ni Andy ang mag-asawa...
PHR 1659 Bogus Bride by Rose Tan
Akala ni Philippa ay natagpuan na niya si Mr. Right sa katauhan ng isang guwapo at mayamang executive. Feeling in love, tinanggap niya ang alok nitong magpanggap na asawa nito.
But Mr. Right got himself kidnapped. Naiwan si Philippa na napausbo na sa pagpapanggap.
And alas! Mr. Right had a brother—si Richard. Nagtataglay ito ng mapanuksong tingin at ngiti.
Hayun, sa halip na mag-alala sa kalagayan ng kanyang “asawa,” si “bayaw” ang laman ng isip niya gabi’t araw.
Hindi ako taksil!
Pero bakit napunta sa silid niya si Richard at walang tapalodo?
Señorito Series 16: Don Luciano by Rose Tan
Nakaligtas mula sa kamay ng mga kidnappers si Don Luciano, pero nangamba ang mga malalapit sa kanya na makidnap uli siya kaya ikinuha siya ng bodyguard. Babae. Si Elpidia Bagsic, anak ng kilabot na hitman. Tiyak na maasahan daw ito kapag may kalaban.
So what? Maganda at sexy ang ni-request niyang undercover bodyguard, hindi isang babaeng may nakasuksok na suklay sa back pocket.
Pero may choice ba siya? Wala. Dahil pati ang kanyang mama ay pinaboran din ito.
“Bakit parang ikinahihiya n’yo akong kasama, Sir?” tanong ni Elpidia. Hindi raw ito mao-offend, ang mahalaga lamang ay katotohanan. Eh, di tapatin.
“Ang baduy mo, eh.”
Dahil doon ay muling nanganib ang kanyang buhay. Nag-amok ang bodyguard!
|
|