|
Post by raveneyes on Dec 10, 2007 10:58:41 GMT 8
Blush Series #15: Charmed Tindera sa palengke si Gellie pero suki siya ng mga beauty pageants. Sa katunayan, siya ang piniling kinatawan ng mga kababayan niya para sa Mutya ng Lagrimas. Biniyayaan daw kasi siya ng kakaibang ganda at karisma. Sigurado raw na siya na ang puputungan ng korona. Pagkatapos ng patimpalak ay may natuklasan siya. Liligawan at gagamitin daw siya ni Matty, ang bise-alkalde nila na nasa balag ng alanganin ang political career. Naniniwala raw ang kampo nito na kapag napaibig siya nito ay muling babango ang pangalan nito. Kaya nakipagsabwatan siya sa isang nagmamalasakit sa bayan na pabagsakin si Matty nang hindi na ito makapaghasik ng lagim. Tigib ng determinasyon at armado ng lakas ng loob ay pinasok niya ang balwarte nito. Pero hindi pala siya handa. Titig pa lang ni Matty ay nanlambot na ang mga tuhod niya. At nang ngumiti ito ay tuluyan nang nalusaw ang kanyang puso. Paano na ang bayan?
|
|
|
Post by Stardustâ„¢ on Feb 7, 2008 9:09:43 GMT 8
I liked this.
|
|
|
Post by raveneyes on Feb 12, 2008 8:51:27 GMT 8
me too..
|
|