|
Post by kaiZz on Feb 27, 2013 4:42:00 GMT 8
Badong“Huwag kang mag-alala, hindi ko nakakalimutan ang panata ko. Magmamanhik-manaog ka sa rurok ng kaligayahan. Lagi kang matutulog na may ngiti sa mga labi.” “Atsay-killer” ang naging bansag ng lahat kay Badong nang bigla niyang patulan ang maid nilang si Doray. Pero hindi alam ng lahat, maging ni Doray mismo, na hindi atsay ang turing niya rito. Kinakapatid niya ang babae at inihabilin ito sa kanya ng yumao nitong ama. Iyon nga lang, hindi niya napigilang “salakayin” ang pinababantayan sa kanya. At nagbunga ang “pananalakay” niya. Wala namang problema. Handang-handa siyang panagutan ang responsibilidad. Pero si Doray, umepal. “Nagbabayad lang ako ng utang-na-loob sa `yo! Alam ko na, na ikaw ang nagpapaaral sa akin. Tumatanaw lang ako ng utang-na-loob kaya kita pinatulan, Badong.” Ang sakit n’on.
|
|