|
Post by kaiZz on Feb 27, 2013 4:41:44 GMT 8
Rook“Kailangan kong magmatigas. Puso ko kaya ang nakataya.” Napasugod sa basurahan si Laurel dahil may nagtapon doon ng mga damit niya. Pikit-matang nag-dive siya sa dumpster at muntik nang malunod sa mga basura. Mabuti na lang at may nakakita ng kuyukot niya at naisipan nitong sagipin siya sa mga nabubulok at di-nabubulok. Si Rook. Simula noon, hindi na siya tinantanan ng matatamis na boladas at malalagkit na titig nito. Malas nito. Allergic siya sa mga mambobola. Kakain na lang siya ng panis na bubog with uod kaysa maniwala kay Rook. Pero nang mangailangan ito ng pekeng pregnant girlfriend, guess who kung sino ang pumapel?
|
|