|
Post by kaiZz on Jan 18, 2013 4:10:26 GMT 8
The Knight Wears A Fedora"Hindi nasusulot ang true love, my love." Masaklap mawalan ng trabaho lalo na kung wala kang naipon ni singkong-duling. Iyon ang sitwasyong kinasadlakan ni Mitchie. Kaya nangako siya sa sariling gagawin niya ang lahat magkatrabaho lang uli siya. Anything. Maski ang magpanggap na biyuda. Iyon ang nangyari nang makilala niya si Omeng. Napagkamalan nito na anak niya ang inaalagaan niyang pamangkin at naawa ito sa kanya nang malaman na ulila na sa ama ang bata. Inalok siya nito ng trabaho. Tulungan daw niya itong kumbinsihin ang long-time girlfriend nito na good boy na ito at handang-handa nang lumagay sa tahimik. Sa takot na bawiin nito ang alok na tulong, kinarir na lang niya ang papel ng isang single parent. Akala niya ay wagi siya dahil bukod sa nakahanap ng daddy ang makulit na pamangkin niya, kikita pa siya nang limpak-limpak. Hindi pala wagi. Dahil ang trabahong ipinapagawa sa kanya, hindi niya kaya. Ano siya, bale? Bakit niya ipagduduldulan sa ibang babae ang kaguwapuhan ni Omeng?
|
|