|
Post by kaiZz on Jan 18, 2013 4:10:16 GMT 8
Ang Sumpa Mo Neneng"Habang hindi pa nawawala ang bisa ng gayuma, iyong-iyo ako. Paliguan mo ako ng pagmamahal, hiludan mo ako ng halik, sabunin mo ako ng yakap, ok lang, titiisin ko." Rich and pretty na si Neneng nang magbalik siya sa sitio na sinilangan niya. Ang unang ginawa niya pagtapak niya sa lugar ay ang isumpa si Arkin, ang lalaking nagpakulong sa kanyang first love. Pababagsakin niya ang kabuhayan ng magaling na lalaki. Pero sa unang paghaharap pa lang nila, tumiklop na agad siya kay Arkin. Bakit? Dahil ginagayuma pala siya ng lintik! Kaya pala hindi ito nawawala sa isip niya. Kaya pala hinahanap-hanap na niya ito. Kaya pala hinalikan niya ito nang walang pag-iimbot. Pero hindi raw siya dapat mangamba. Two months lang daw ang bisa ng gayuma. In the meantime, pagtitiisan na lang daw muna nito ang pagmamahal niya…
|
|