|
Post by kaiZz on Aug 17, 2012 0:14:21 GMT 8
The Bloomer Bandits (Rehan)“Ang lakas ng loob mong makipagrelasyon sa akin. Baka hindi mo kayanin ang powers ko.” Wala na sigurong mas ideal pa kaysa sa boyfriend ni Pansy kaya ganoon na lang ang pagtutol ng mga magulang niya nang sabihin niyang hindi na niya mahal ang lalaki at gusto na niyang makipagkalas dito. Wala na raw hihigit pa sa boyfriend niya at kung ipipilit niya na mayroon, iharap niya sa mga ito. Di iharap. Umarkila siya ng isa pang maginoo para magpanggap na bagong boyfriend niya. Ang kaso, at the last minute ay proxy ang sumulpot para sa grand presentation: si Rehan. Anak ito ng landlady niya. Crush daw siya nito kaya ito na lang ang papapel na ideal boyfriend niya. Wala na siyang choice. Duda man siya sa katauhan nito, iniharap niya ito sa mga magulang niya bilang bagong “love interest.” Pero ang tinamaan ng magaling, pagkatapos harapin nang isang beses ang mga magulang niya, umurong na. Wala na raw itong balak panindigan ang papel ng ulirang boyfriend dahil bukod sa weird daw ang pamilya niya, lasang-baha pa ang nilaga ng mama niya. Hayun, siya pa ngayon ang nagmamakaawa sa bubuli!
|
|