|
Post by kaiZz on Nov 10, 2011 6:33:59 GMT 8
The Bloomer Bandits (Drick)"Liligawan pa rin kita kahit labag ang panunulot sa paniniwala ko." Parang keso ang pag-ibig ni Sam kay Drick—habang tumatagal ay lalong sumisidhi ang flavor. Pero mukhang aamagin na lang ang pagsinta niya dahil wala nang nakitang maganda sa kanya ang binata. Kahit sa mga bagay na walang kabagay-bagay ay inaaway siya nito na para bang may sinumpaan itong tungkulin na hanapan siya ng mali. Pero minsan ay dumadapo rin ang suwerte. Drick needed her help and asked her to pretend they were live-in partners. Sinunggaban niya ang pagkakataon. Ang kaso, nagkamali pala siya sa akalang maaakit niya ito kapag magkasama na sila sa iisang bubong at magkatabi sa iisang higaan. Kasi, kahit split ends niya, ayaw nitong salingin. Sagad sa bone marrow ang pagka-gentleman nito. Sarap patayin…
|
|