|
Post by kaiZz on Mar 1, 2011 21:50:23 GMT 8
Mana Po
"Itinatanong ni Inay, kailan mo raw ako sasagutin?" Hindi makapaniwala si Brandi na ipinamana ng kanyang papa kay Milosebio—ang puppy love niya na iniwan niya sa Caballero noong bigla silang yumaman—ang mga kayamanan nila. Malaki ang kasalanan niya noon kay Milosebio kaya hanggang maaari ay ayaw na sana niyang makita ito. Pero kailangang makaharap at makausap niya ito kaya napilitan siyang bumalik sa kanilang bayan. Nang magkita sila ay parusa agad ang inabot niya rito. Kasabay niyon ay natuklasan nila na ang kayamanang tinamasa niya sa loob ng matagal na panahon ay ninakaw lang pala ng kanyang papa sa ama ni Milosebio. Dahil doon ay lalong lumala ang galit nito sa kanya. Hindi raw siya mapapatawad nito kahit araw-araw pa niyang ipaglaba ito ng mga underwear.
|
|
|
Mana Po
Aug 20, 2013 10:29:53 GMT 8
Post by valiw14 on Aug 20, 2013 10:29:53 GMT 8
kakaiba din ang isang ito.. imagine kinamkam ung yaman kahit ndi na man na hindi halata.. basta.. ang ganda ng kwento...
|
|