|
Post by kaiZz on Sept 29, 2010 15:21:21 GMT 8
Ang Awit Ni Diosa"Tumigil yata sa pagtibok ang puso nya pagkakita nya kay Diosa. Parang nalulunod sya. Pero masarap iyon sa pakiramdam" Walang pamilya, walang tirahan, walang nagmamahal. Iyon si Diosa, isang hampaslupa. Isang gabi, pagkatapos siyang bugbugin ng mga umaway sa kanya at iwan ng mga ito na nakasubsob sa putik, luhaan, at nagmamakaawa sa langit, ay isang “anghel” ang lumapit sa kanya—si Macoy, ang kaibigan at tagapagtanggol niya noong nasa bahay-ampunan pa sila. Nabuhayan siya ng pag-asa. Sa wakas ay may tutulong sa kanya. Tinitigan siya nito na waring inaalala kung sino siya. Pero pagkatapos siyang itayo nito ay basta na lamang siya iniwan nito. Diyata’t isnabero at matigas na ang puso ng dating tagapagligtas niya? Iyon ang mas ipinaghimagsik ng loob niya at halos ikalupasay niya.
|
|
|
Post by valiw14 on Aug 20, 2013 10:27:32 GMT 8
hnn mnm this novel is a serious one.. walang masyadong comedy pero ung essence andun pa din.. ung biglang pagshift ni rose tan ng genre ay nagpakita na kaya nia ring magsulat ng drama pero makabuluhan..
super like!
|
|