|
Post by kaiZz on Feb 13, 2010 3:19:32 GMT 8
Holly Is Thy Name “This commitment thing is going to be fun. I promise you that.” Kalilipat pa lamang ni Holly sa town house ay napa- away na siya sa kapitbahay. Panalo na sana siya sa digmaan kung walang tagapagtanggol ang kalaban—si Blas. Hindi lang siya inaway nito, sinermunan pa siya na animo kung sinong matuwid ito. Sa galit niya, nagkunwari siyang mangkukulam at isinumpa ito. “Magkakasakit ka. Hindi ka gagaling.” A few days later, panauhin niya si Blas. Humihingi ito ng tawad, nagtatanong ng gamot sa karamdamang tumama diumano rito. Pinayuhan niya itong maglaga ng batong buhay at inumin ang sabaw niyon. Ginawa naman nito iyon. Utu-uto, eh. Huwag lang sanang mabuking na peke siya. Baka pukpukin siya nito ng batong buhay, and worse, hindi na niya masilayan ang maningning na brown eyes nito.
|
|
|
Post by betilafea on Mar 4, 2010 18:08:20 GMT 8
love this one..haha kulam kulam,galing hehe...
kakatuwa naman..natatawa akong mag-isa habang nagmemerienda pati katrabaho naming chekwa napapatingin na sa akin hehe
and blas was lovable kakainlove..pati si off limits kulit hehe...si holly my topak ganun din ako minsan di maintindihan ang gusto hehe kaya nakakarelate
|
|
|
Post by koockai_jha on Apr 19, 2010 1:02:05 GMT 8
kudos RT! =)) tawa ko ng tawa dun sa off-limits scenes. HAHAHA nakaka-relate ako kay holly,. a friend once told me na my personality is more of a male. dominant. independent. competitive. yun nga lang girl ang lola niyo. hehe
|
|
|
Post by pnk0 on Aug 11, 2010 12:34:43 GMT 8
..,,ang lupit nu'ng plinano ni brown eyes na igisa si holly sa sarili nito'ng kulam!! ,,--hahahahah!,,pero naligo muna siya sa suka!! :D
,.,.yu'ng kulam-kulam thing.. ,,ang saya
|
|