|
Post by raveneyes on Dec 23, 2007 17:29:40 GMT 8
Bud Brothers 8
Bewitched, Bothered and Bewildered"Kung mawawala ang bisa ng gayuma, di loveless na naman ako? Alam ko sa puso ko na kahit i-program pa ako na limutin ka, hindi ko magawa."
Gilalas si Ginger nang malamang ginayuma ng lola niya si D-ick para paibigin sa kanya. Hindi pa pala lumilipas ang galing ng kanyang lola sa mga ganoong bagay, kaya heto siya ngayon, may masugid na suitor. At walang matimtimang birhen kung ang nanananalangin ay kasingsimpatiko ng lalaki.
Akala naman ni D-i-c-k ay true love na ang sumapo rito at imbes na maguluhan, tuwang-ruwa pa ito. Idineklara pa sa lahat na pakakasalan nito si Ginger sa lahat ng simbahan. Ngunit gumuho ang kaligayahan nito nang malamang hindi ito in love, nagayuma lang.
Sa sama ng loob, binalak nitong gantihan si Ginger, bagay na nakarating naman sa kaalaman ng babae. Ngayon, pareho na silang naghahanap ng magbe-brainwash sa kanila para makalimutan ang kanilang 'di totoong pag-ibig para sa isa't-isa.
Pero paano nga ba ibe-brainwash ang puso?
|
|
|
Post by fellah on Dec 27, 2007 1:22:55 GMT 8
hahaha! heto na naman ang isang sakit ng proboards... may set of censored words ksi.. kaya ang name ng guy na D-i-c-k ay napapalitan ng "thingy" sa tuwing pinopost.. ^_^
hindi ko pa nakakalimutan ang mga pantal..lol
|
|
|
Post by raveneyes on Dec 27, 2007 10:45:45 GMT 8
uu nga.. di ko napansin nung una, kelan lang. yung c0ck-a-doodle nga.. naging thingy-a-doodle. kala ko ako nagkamali. ;D
|
|
|
Post by mooch66 on Jan 28, 2008 7:29:52 GMT 8
|
|
|
Post by raveneyes on Feb 5, 2008 12:05:16 GMT 8
title din pala ng song ang Bewitched, Bothered and Bewildered.
|
|
lashae
half-bloom rose
This is me, no more no less
Posts: 69
|
Post by lashae on Feb 5, 2008 12:43:32 GMT 8
korek and if you heard the song it has a soothing effect kasi ang galing ng pagkakakanta pati yung buong lyrics. Parang mas matanda pa yata sa atin yung Song and Artist named was Elle Fitzgerald. I heard it once and its such a lonely song, pero maganda.
|
|
|
Post by raveneyes on Feb 5, 2008 16:15:28 GMT 8
isang beses ko pa lang napakinggan, nangmarinig ko ang Bewitched, Bothered and Bewildered syempre naalala ko etong book na 'to. mahanap nga ang lyrics.
|
|
|
|
Post by raveneyes on Feb 16, 2008 22:45:29 GMT 8
isa ito sa gusto kong mabasa... nabanggit na kaze mga nangyayari kay d-i-c-k sa story ni betsy... eh kaso highschool palang aq nun, at walang pera....ang saklap...hayz... ako din studyante pa ng ilabas itong series na ito.. siguro naging busy. kelan ko lang nakumpleto nung nagpunta ako sa Precious outlet sa SM Manila nuong 2006. pero kailangan ko din ng bago.. kasi nadisgrasya ang mga libro ko last year.
|
|
yzelle
full bloom rose
"soooooo cute"
Posts: 167
|
Post by yzelle on Feb 16, 2008 23:14:00 GMT 8
huh, panong nadisgrasya te lanz!!!??
|
|
|
Post by raveneyes on Feb 17, 2008 12:15:47 GMT 8
Nabasa. pede pa naman nalukot lang mga pahina.. pero ang pangit na ng cover e. buti nga pinag-tiyagaan kong lagyan ng cover mga Pb ko dati.. kaya di gaano na-damage. at nakakatuwa nga ang nanay ko kasi. pinunasan nya bawat pahina at binilad agad para matuyo. kaka-tats. hehe.
kaya lang habang nakabilad.. meron akong kapit-bahay na mahadera kinuha ba naman, at ang nasagap kong tsismis ay binenta sa halagang 5 pesos!! :argh:
|
|
|
Post by =Lhourdz= on Feb 17, 2008 20:57:51 GMT 8
di ba ayaw ng mama mo teh na magbasa ng pocketbook?
kata kats nga yon
sa kapitbahay naman, ang sama!!!!!
dapat ipa barangay yon...
|
|
|
Post by raveneyes on Feb 17, 2008 21:20:15 GMT 8
ewan ko ba, ba't pinalampas ko yun. well siguro nung nalaman medyo matagal na nangyari. pati yung sa pinsan kong di nag-soli pinalampas ko din. pero kung nangyari yun siguro noon. naku, makakatikim sa akin mga yun.. mejo nag-mellow na ako.
|
|
yzelle
full bloom rose
"soooooo cute"
Posts: 167
|
Post by yzelle on Feb 19, 2008 21:58:23 GMT 8
wei, ang sama nga ng ugali te lans....
kainiz ang mga ganun....
|
|
|
Post by raveneyes on Feb 19, 2008 23:25:42 GMT 8
sinabi mo pa.. dinemonstrate pa nila kung paano pinunasan ni mama
|
|