|
Post by raveneyes on Jan 2, 2008 20:58:23 GMT 8
PHR 1118: Se Llama Chiquita“Takot ako sa multo, kaya sasama ako sa paliligo mo, Chiquita, babe.” Her name is Chiquita, She is an heiress. Well, almost. Sapagka’t bago niya manahin ang lahat ng kayamanan ni Dońa Lolita, kailangang mawala sa kanyang landas ang abogadong de la hambog na si Reed Allende. Naniniwala naman ang lalaki na impostor siya. Na hindi siya totoong apo ng dońa—may katibayan ito. Kaya naman gagawin rin nito ang lahat, mawala lang siya sa landas na patungo sa kayamanan. Ngunit alam ni Chiquita ang lihim ni Reed. TAKOT ITO SA MULTO! Kaya naman tagumpay ang pananakot niya sa lalaki, ngunit hindi higit na malaki ang problema ang naghihintay sa kanya. Dahil kumbinsidong may nagmumulto sa lumang bahay, ayaw nang mawalay ni Reed sa tabi niya. Tuwina’y nakabuntot ito sa kanya, parang tuko kung kumapit. Pati sa pagtulog ay nais na katabi siya! Ngayon, hindi lamang ang mamanahin ang nanganganib, nasa bingit na rin ng kalamidad ang puso ni Chiquita. --- *Thanks to www.pocketbookukay.multiply.com and Ate Trish for the cover photo...
|
|
|