|
Post by raveneyes on Dec 20, 2007 22:30:50 GMT 8
Señorita 22: Julianna Sa kagustuhan pasayahin ang boyfriend niyang makamasa, sa isang malayong bayan napadpad si Julianna para magkawanggawa sa isang kakilala. At ang una niyang nabungaran sa malayong bayan ng samonte ay si Abundio “Jack” Montego, ang barangay captain at ang lalaking pinagpapantasyahan ng mga kadalagahan sa lugar na iyon. At hindi niya masisi ang mga kabaro. Nang makilala niya ang lalaki, bigla niyang nakita ang lahat ng kapintasan ng kanyang boyfriend. Sa madaling salita, nahawa siya sa “Jack fever” na matagal nang nananalanta sa mga kadalagahan. Pero mamatay na ang aamin! Hinding-hindi niya aaminin kahit na sa sarili na iniilusyon na rin niya ang makisig na kapitan. Ngunit wala raw lihim na hindi nabubunyag…
|
|